^

PSN Opinyon

Giyera patani sa Kongreso!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MAGLALABASAN na parang sungaw este mali singaw pala ang mga bright people dahil sa second impeachment complaint na isinampa ng opposition sa Office ni House Secretary General Roberto Nazareno.

Umaatikabong bakbakan ito oras na umusad ang reklamong patalsikin sa trono si Prez Gloria Macapagal-Arroyo sa Kongreso dahil makikita at maririnig ng madlang people ang magagaling at mauutak na mga pupol este mali politiko pala na magde-debate. Sabi nga, talsikan ng laway. He-he-he! Matira ang matibay.

Dehins pa nag-uumpisa ang ikinukuwento ko ay naggigirian na ang Anti-GMA at ang Pro-GMA. Ika nga, bakbakang umaatikabo.

Kung kami ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatanungin hayaan na lamang umusad ang impeachment sa Mababang Kapulungan para matigil na ang bangayan at manahimik na rin ang bansa.

Dahil sa gulong ito dehins nararamdaman ng ating mga kasangga na tataas ang presyo ng lahat ng bili-hin. Ika nga, left and right ang bunot ng pitsa sa bulsa. Paano ang mga kasangga nating walang mabunot? Ang PRO at ANTI tiyak may pitsa iyan! Sabi nga, may bubunutin

‘‘Ano kaya ang mangyayari kapag umusad ang impeachment?’’ tanong ng kuwagong pobreng alindahaw.

‘‘Kung may atik kang bubunutin wala kang problema pero kung alaws kang pitsa malaking problema iyan, kamote,’’ sagot ng kuwagong naghuhugas ng talong.

‘‘Bakit?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Abangan mo kamote, parang jet bubulusok paitaas ang mga prices.’’

"May wage increase ba kapag may impeachment?’’

‘‘Wala,’’ sagot ng kuwagong kotong cop.

‘‘Paano tayo ngayon?’’

‘‘Diyan lagapot yari tayo!"

ABANGAN

ANO

BAKIT

CRAME

HOUSE SECRETARY GENERAL ROBERTO NAZARENO

IKA

MABABANG KAPULUNGAN

PAANO

PREZ GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with