^

PSN Opinyon

Umiiral ba ang tunay na hustisya sa bansa?

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
PAGKATAPOS ng naging pahayag ni Supreme Court Chief Justice Artemio Panganiban hinggil sa umano’y "wrongful death" o  maaaring naging pagkakamali ng Korte Suprema sa ginawang pagkatig sa desisyon ng mababang hukuman na nagbaba ng kauna-unahang hatol na parusang bitay kay Leo Echagaray, ang tanong ngayon ng marami ay kung may tunay na hustisya pa bang umiiral sa ating bansa?

Kamakailan ay pinapurihan ko ang Korte Suprema sa naging desisyon nito kaugnay ng mga usaping CPR, PP 1017 at EO 464.  Pinapurihan ko sapagkat naibalik ng mga mahistrado ang tiwala ng mamamayan sa hudikatura bilang huling tanggulan ng katarungan.

Subalit ano itong sinasabi ni Chief Justice Artemio Panganiban? Hindi ba niya nalalaman o naisip man lang ang negatibong epekto ng kanyang naging pahayag na maaaring tuluyang magpaguho sa nalalabing respeto ng mamamayan sa ating justice system? Para sa isang Punong Mahistrado at ikatlong may pinakamataas na katungkulan sa bansa, ang magpahayag ng ganoong uri ng opinion ay hindi nakakatulong, kapwa sa institusyong hudikatura at sa mamamayan, bagkus ay lalo pang nagpahina sa mabuway nang haligi ng katarungan sa bansa na pinapalala ng kawalang-tiwala ng sambayanan.

Alam ko na ito’y maaring laro lamang o pakana sa bahagi ng administrasyong Arroyo upang bigyang katwiran ang ginawang paglusaw sa parusang bitay at nang sa ganoon ay makumbinsi ang taumbayan na tama ang ginawa niyang hakbang. Subalit maaari namang magbanggit ng iba pang mga halimbawa upang patunayan na walang silbi ang parusang bitay sapagkat hindi ito ganap na nakatulong upang mapigilan ang paglaganap ng karumal-dumal na krimen kung iyon ang nais nilang ipabatid na mensahe. Ngunit ang sabihing nagkamali ang mataas na hukuman ay lubhang nakababahala at nakapanghihina ng kalooban lalo na at ang naging biktima ay isang ordinaryong mamamayan lamang. Hindi ba ito’y isang uri ng destabilisasyon sa gobyerno na mismong ang administrasyon ang may pakana?

Kung totoo ngang nagkamali ang Mataas na Hukuman, hindi na dapat pang sinabi sa publiko sa halip ay (idinaan na lamang ang pagtutuwid sa nakagawiang tradisyon) tulad ng nakagawiang tradisyon sa proseso ng pagtutuwid ng mga maling naging desisyon ng Korte Suprema, binawi na lamang sana ito sa pamamagitan ng pagbaligtad sa mga naunang desisyon sa susunod na mga kahalintulad na kaso. Ang mabigat kasi rito ay ang katotohanang lahat ng desisyon ng Mataas na Hukuman, lalo na kung walang nasasaad sa Saligang Batas na maaaring maging batayan, ay awtomatikong nagiging bahagi ng batas ng ating bansa at ginagamit na jurisprudential basis or precedence sa pagdedesisyon sa mga kahalintulad na kaso.
* * *
Tune in to "USAPANG OFW" on DZRH AM radio every Sunday from 10 to 11 AM. Email [email protected], text 09187903513, visit my website www.royseneres.com, call 5267522 or 5267515 or visit Our Father’s Coffee.

CHIEF JUSTICE ARTEMIO PANGANIBAN

HUKUMAN

KORTE SUPREMA

LEO ECHAGARAY

MATAAS

OUR FATHER

PUNONG MAHISTRADO

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with