Alam nyo ba?
June 25, 2006 | 12:00am
ANG pinakamatamis na pinya ay matatagpuan sa Camarines provinces sa Bicol region. Bagamat maliit ay napakatamis ng pinyang tinatawag na Formosa. Maraming pinyang Formosa ang mabibili sa mga palengke ng Naga at Daet.
Isang Fil-Am na naninirahan sa Texas USA ang taun-taon na nagbabalikbayan at hindi siya nagsasawa sa pagkain ng pinyang Formosa habang siya at mga kasamahang bakasyonista ay nagsa-surfing sa Bagasbas beach na nasa pagitan ng Daet at Mercedes, Camarines Norte.
Sinabi ng Fil-Am at mga kasamahan niya na hindi nila ipagpapalit ang masarap na pinya sa Kabikulan kaya naman bago sila magtungo sa Boracay ay nagbaon sila nang maraming pinya.
Alam niyo bang may 220 German companies sa Pilipinas? At alam nyo rin bang umaabot sa mahigit na P60 billion ang kanilang total investment sa bansa?
Sa mga German companies nagtatrabaho ang 27,000 empleyado na karamihan ay electronics engineers, aircraft mechanical IT specialists at accountants. Ma-rami ring kompanyang German ang nagbigay ng educational and vocational training sa mga kabataang Pilipino. Umaabot sa 12,000 kawani ang nabigyan ng vocational training ng German companies at mahigit sa 500 sa kanila ang tumanggap ng formal certification.
Isang Fil-Am na naninirahan sa Texas USA ang taun-taon na nagbabalikbayan at hindi siya nagsasawa sa pagkain ng pinyang Formosa habang siya at mga kasamahang bakasyonista ay nagsa-surfing sa Bagasbas beach na nasa pagitan ng Daet at Mercedes, Camarines Norte.
Sinabi ng Fil-Am at mga kasamahan niya na hindi nila ipagpapalit ang masarap na pinya sa Kabikulan kaya naman bago sila magtungo sa Boracay ay nagbaon sila nang maraming pinya.
Sa mga German companies nagtatrabaho ang 27,000 empleyado na karamihan ay electronics engineers, aircraft mechanical IT specialists at accountants. Ma-rami ring kompanyang German ang nagbigay ng educational and vocational training sa mga kabataang Pilipino. Umaabot sa 12,000 kawani ang nabigyan ng vocational training ng German companies at mahigit sa 500 sa kanila ang tumanggap ng formal certification.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended