Bakit may mga lalaking impotent?
June 25, 2006 | 12:00am
Tumitigas ang penis dahil sa dugong dumadaloy dito. Kung walang adequate na suplay ng dugo na dadaloy sa penis, hindi ito titigas. Nakalaylay lang si manoy at hindi makakaporma. Ang hindi pagdaloy ng dugo ay maisisisi rin sa depektong blood vessel gaya ng atherosclerosis o blood clot.
Itinuturo ring dahilan sa hindi pagtigas ang pagkakaroon ng diabetes, pagtake ng drugs, lower spinal diseases, rectal at prostate surgery.
May mga gamot na nakapagdudulot ng pagiging impotent at kabilang dito ang mga anti-depressants, anti-psychotics, anti-hypertiveness, sedatives, at cimetidine. Ang low levels ng testosterone at ang pagtake ng female hormone na prescribe sa mga kalalakihang may prostatic cancer ay dahilan din kaya nagiging impotent ang lalaki.
Ang paninigarilyo ay isa sa mga itinuturong dahilan ng impotence. Sa isang pag-aaral na ginawa sa 4,000 sundalong Amerikanong lumaban sa Vietnam na naninigarilyo, napatunayan na 50 percent sa kanila ay inutil sa pakikipagtalik kumpara sa hindi mga naninigarilyo. Napatunayan na ang paninigarilyo ay malaki ang nagagawang pinsala para mabarahan ang daloy ng dugo patungo sa penis. Kaya ang hatol ng mga doctor, itigil ang paninigarilyo.
Ang mga kalalakihan na may mataas na cholesterol level ay doble ang panganib na maging impotent kaysa sa mga kalalakihang mababa ang cholesterol. Gayunman, doon sa mga kalalakihang mababa ang kanilang HDL (good cholesterol) ay doble rin ang panganib na maging impotent. Ang high fat diet ay hindi lamang nakapagpapakitid sa mga ugat at binabarahan ang pagdaloy ng dugo sa puso kundi pinakikitid din ang mga blood vessels na nagdadala ng dugo sa penis.
(Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended