^

PSN Opinyon

Corruption P2-B – Pinoy zero!

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
PAGKATAPOS ipagsigawan na magre-release ng P1-billion sa military at pulis upang labanan ang Communist Party of the Philippines/New People’s Army ay hirit uli si Madam Senyora Donya Gloria na P1 billion pa muli ang kanyang pagagamit sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang labanan naman ang katiwalian.

Sa pronouncement niya, kaya raw lipulin ang NPA sa loob ng dalawang taon sa pamamagitan ng pag-aarmas sa kasundaluhan at kapulisan na hindi raw titigil sa katutugis sa mga rebeldeng grupo.

Sa pananalita niya at ng kanyang mga tauhan sa Malacañang at pati na ang kanyang mga kaalyado sa Kongreso ay para bang ang pinaka-importanteng solusyon ay ang armadong paraan.

Hindi na niya nakita ang tunay na suliranin at ito ay ang kahirapan at ang kakulangan sa pantay-pantay na pagkakataon ng bawa’t mamamayan ang nagtutulak sa marami upang sumama sa rebeldeng grupo.

Tinalakay ko na sa nakaraang column na hindi uubra ang military solutions lamang. Afterall, ano ang gagawin nila, tutugisin ang mga rebelde sa mga kuta nila.

Paano kung umatras lang nang umatras ang mga ito o di kaya’y bumalik sa kanilang anyong ordinaryong mamamayan at hindi makipag-engkuwentro, di-aksaya lang ng panahon ang gagawin ng mga sundalo bukod pa sa malaking halagang ginugol sa operasyon.

Madaling gawin ito ng rebeldeng grupo at sa huli ang makikinabang lamang ay ang mga opisyal ng military at pulis na mangangasiwa sa pagbili ng mga gamit na kakailanganin ng sundalo.

Tanging mananalo rito ay ang mga bulsa ng mga corrupt na military at police official at ang taumbayan ay talo na naman ng P1,000,000,000 billion.

Ganun din ang mangyayari sa P1 billion naman laban sa corruption. Walang magagawa ang sinumang nananatiling malinis na opisyal ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria laban sa corruption.

Kahit na pondohan sila nang malaki at bigyan sila ng mga makabagong mga gamit at dumaan sila sa katakut-takot na training ay hindi nila ubrang ipatupad ang kanilang tungkulin.

Wala silang ubrang pakulong na malaking isda na involve sa pangungurakot dahil sa laki at dami ng pinagkakautangan ng loob ni Madam Senyora Donya Gloria. Alam ng lahat, pati batang musmos na laganap ang corruption pero ano ang gagawin nila tungkol sa proyekto ng mga kongresistang 50% ang komisyon. Puwede ba nilang pakulong yun lalo na at nakaamba na naman ang impeachment. Natural hindi, mahirap madagdagan ang boboto pabor sa impeachment.

Eh paano kung kapatid, kamag-anak o kakampi? Ganundin, hindi ubra at baka magtampo ang kongresista at maisipang pumirma sa impeachment.

Eh kung hindi kongresista o kamag-anak nila, kung gobernador, mayor o kamag-anak nila o bataan nila, HINDI pa rin puwede dahil sila ang maiingay na patuloy na sumusuporta kay Madam Senyora Donya Gloria kapalit ng "proyektong" punumpuno ng porsyento, bukod pa sa patuloy na pagtulak nila sa Charter Change.

Ngayon tatanungin n’yo paano kung military o pulis, aba, lalong HINDI puwede dahil hirap na hirap silang bakbakan ang mga nagra-rally tsaka gusto ba ng Malacañang magalit ang mga Generals at sumama at mamuno sa mga junior officers na ngitngit na ang galit sa laganap na corruption? Natural ayaw nila lalo pa at merong mataas na opisyal ng marines na nag-resign dahil hindi na niya masikmura ang sistemang bulok.

Saludo ako kay Marine Colonel Orlando de Leon na kesa kainin ng sistemang bulok ay nagbitiw. Napaka-honorable ng ginawa niya. Sa kanya angkop ang Honorable na kinakabit natin sa pangalan ng ating mga matataas na opisyal mula sa miyembro ng Gabinete, senador, kongresista, gobernador, mayor, konsehal at pati barangay opisyal.

Kay Col. De Leon, hindi ka lang Honorable, General ka pa at sana dumami pa ang katulad mo. May pag-asa pa tayo sa pinakita mo.

Pero ang pinakamabigat, kaya ba nilang magkaroon ng tunay na imbestagasyon kay JOSE PIDAL, si Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo man ito o si "Honorable" Congressman Ignacio "Iggy" Arroyo ito?

P2,000,000,000 bilyon. Walang silbi maliban sa mga gahaman na poporsyento na naman. Let us see, 20% lang ng P2 billion ay P400,000,000 million. CORRUPTION P2-billion - Pilipino People Zero.
* * *
Para anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

vuukle comment

CHARTER CHANGE

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

CONGRESSMAN IGNACIO

DE LEON

KAY COL

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

NILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with