Sa aking personal na obserbasyon ang pagsusuot ng high-heeled shoes ay nagpapatangkad, pero mangangawit naman ang mga paa at binti at pati ang balakang at likod ay sumasakit kapag matagal na nakatayo o naglalakad.
Ang manugang ng aking kumare ay mahilig mag-high heels. Palibhasay isang working girl, pustoryosa si Michelle. Mula four hanggang 6 inches ang taas ng takong ng kanyang sapatos. Sampung taon na siyang may-asawa pero wala pang anak. Nakumpirma na mababa ang kanyang matris kaya pinayuhan siyang iwasang magsuot ng sapatos na mataas ang takong. Sinunod niya ang ipinayo sa kanya at hindi nagtagal ay nagbuntis siya. Mula noon hindi na nagsuot ng sapatos na may mataas na takong si Michelle.