Mga dupang na parak, gatasan ang panghuhuli sa mga kapatid nating Muslim!
June 21, 2006 | 12:00am
SUNUD-SUNOD ang mga kasong inilalapit ng Office of Muslim Affairs sa BITAG hinggil sa panghuhuli ng ilang pulis sa mga kapatid nating Muslim.
Tatlong sunud-sunod na pangyayari ang inilapit sa BITAG nitong buwan nato kasama ang kanilang legal officer ng OMA na si Atty. Sittie Rahana.
Una ay ang panghuhuli ng mga pulis ng District of Anti-Illegal Drug Division o DAID ng Camp Karingal. Isang drug bust operation daw ang dahilan ng panghuhuli.
Hiningian ng mga dupang na parak ang kamag-anak ng biktima ng P50,000. Agad nagpunta sa BITAG ang OMA at nang tunguhin namin ang DAID Headquarters, pinalaya agad ang biktima. Pinamigay na lamang ng parang walang nangyari.
Ikalawa, ang kaso ng panghu-HULIDAP ng mga parak ng Agham Police Station sa Quezon City. Droga din ang idinahilan nito sa panghuhuli sa isa pang kapatid nating Muslim.
Ayon sa asawa ng biktima na lumapit sa BITAG, gusto siyang ikama ni SPO2 Igig at nang tumanggi ay hiningian na lamang siya ng P10,000 kapalit ng kalayaan ng kanyang asawa. Tulad ng nauna, pinalaya ng parang saranggola ang biktima.
At nitong Hunyo 19 isa na namang nakakatuwang pangyayari katulad ng dalawang nauna ang agad inilapit ng OMA sa tanggapan ng BITAG.
Hinuli raw ang biktima dahil nagtitinda raw ito ng droga. Kapalit ng kalayaan nito, hinihingian ng mga pulis ang kamag-anak ng biktima ng isang milyong piso.
At nang inihanda na ng BITAG ang aming surveillance
team kasama ang lang mga pulis na kapatid nating Muslim para sa isasagawang entrapment operation, biglang sumulpot ang biktima sa tanggapan ng OMA.
Napag-alamang pulis Crame ang mga nanghuli sa kanya at bigla siyang pinakawalan ng mga ito.
Iisa lang ang dahilan kung bakit bigla-biglang pinakakawalan ang mga Muslim na biktima. Dahil naaamoy ng mga tarantado at dupang na pulis na tinatrabaho na sila ng BITAG.
Nababahala at naalarma ang BITAG at OMA sa mga pangyayaring ito na tila ginagawang gatasan at pinagkakakitaan ng ilang bastardong parak ang panghuhuli sa kapatid nating mga Muslim.
Kaya naman katulong ng OMA ang BITAG na tumututok sa kasong ito. Nakahanda na ang kasong Arbitrary Detention o Illegal Arrest na isasampa ng OMA sa mga pulis na nasa likod nito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am