Corpus Christi
June 18, 2006 | 12:00am
NGAYONG Linggo ay ipinagdiriwang ng Simbahan ang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Jesus o Corpus Christi.
Sa kasaysayang ng ating kaligtasan mula sa kamatayan at kasalanan, ang Katawan ni Jesus na inihandog niya sa Ama sa pamamagitan ng pagkapako at pagkamatay niya sa krus, pati na rin ang kanyang Dugo na umagos dahil sa mga pahirap sa kanya, ang siyang luminis sa sangkatauhan at tumubos sa kasalanan ng tao magpakailanman.
Kung kayat ang Ebanghelyo sa araw na ito ay tungkol sa paggunita ng sandaling iyon nang inialay ni Jesus ang kanyang buong pagkatao sa panahon ng huling hapunan (Mark.14:12-16, 22-26).
Unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura, araw ng pagpatay ng kordero para sa Paskuwa. Tinanong si Jesus ng kanyang mga alagad, "Saan mo po ibig na ipaghanda ka namin ng Hapunang Pampaskuwa?" Inutusan niya ang dalawa sa kanyang mga alagad, "Pumunta kayo sa bayan. May masasalubong kayong isang lalaki na may dalang isang bangang tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na kanyang papasukan at sabihin ninyo sa may-ari, "Ipinatatanong po ng Guro kung saang silid siya maaaring kumain ng Hapunang Pampaskuwa, kasalo ng kanyang mga alagad." At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na mayroon nang kagamitan. Doon kayo maghanda para sa atin."
"Samantalang silay kumakain, dumampot ng tinapay si Jesus, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinagpira-piraso at ibinigay sa mga alagad. "Kunin ninyo; ito ang aking katawan." Hinawakan niya ang saro, at matapos magpasalamat ay ibinigay sa kanila; at uminom silang lahat. Sinabi niya, "Ito ang aking dugo ng tipan, ang dugong mabubuhos dahil sa marami. Sinasabi ko sa inyo, hindi na ako iinom ng alak mula sa ubas hanggang sa araw na inumin ko ang bagong alak sa kaharian ng Diyos." Umawit sila ng isang imno, at pagkatapos nagtungo sa Bundok ng mga Olibo."
Happy Fathers Day! Sa lahat ng mga ama ng tahanan at tumatayong mga ama ng kanilang mga nasasakupan, tanggapan o mga kawan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended