Bakit may mga lalaking impotent?

(Part 1)
KAPAG sinabing impotent, ito yung pagkainutil ng mga kalalakihan sa larangan ng pakikipagtalik. O sa mas madaling maintindihan, walang kakayahang tumigas ang kanilang ari. Kaya nga ngayon ay naging bukambibig na ang mga bagong gamot na inimbento sa United States para malunasan ang pagkainutil ng mga kalalakihan.

Mahirap i-discuss noon ang pagiging impotent ng isang lalaki. Siyempre ay itatago ang kanyang pagiging inutil sapagkat nakahihiya ito. Biruin mo nga namang mahahayag na hindi tinitigasan.

Naalala ko pa ang isang nabasa sa pahayagan tungkol sa isang mataas na public official na naakusahang nang-rape ng isang babae. Gustong makalusot ng public official sa kaso kaya ang kanyang depensa hindi siya maaaring makapang-rape sapagkat siya ay impotent. Hindi siya nagtagumpay sa ginawang alibi.

Ang pagiging impotent ng lalaki ay maraming dahilan. Maaaring dahilan ng hindi pagtigas ng kanyang ari ay neurological disorders, paggamit ng drugs, vascular impairment abnormalities ng ari at psychological problems na dahilan para hindi magkaroon ng sexual arousal.

Ayon sa pag-aaral, ang physical na dahilan kaya hindi tinitigasan ng ari ay karaniwang nangyayari sa mga may edad na at ang psychological problems ay kara-niwan naman sa mga kabataan. Gayunman, sinabi ng mga doktor na walang kaugnayan ang pagtanda sa pagiging impotent.

Ang impotent sa mga kabataan ay temporary lamang lalo na kung ang dahilan ay pagkakasakit, injury, stress, fatigue, o ang labis na paninigarilyo at pag-inom ng alak.

(Itutuloy)

Show comments