Akala ko bumalik na sa noontime comedy si Sotto. Nakikialam pa pala sa pulitika tulad ng isyung Charter change miski hindi naaarok.
Ang kauna-unahang unicameral parliament sa mundo ay sa Britain. Hindi masasabing sunud-sunuran lang ito kay Prime Minister Tony Blair. Napapanod nga natin sa BBC Channel kung paano siya igisa kapag may mali.
Matindi ang unicameral parliaments sa Canada, Australia, Belgium, Switzerland, Denmark, Sweden, Norway at Finland. Lahat may shadow Cabinet ang oposisyon na nagbabantay man-to-man sa regular Cabinet, at handang humalili sakaling bumagsak ang mayorya.
Yon ang kainaman sa parliamentary. Kapag sumablay ang Prime Minister at Cabinet, madaling palitan sa pamamagitan ng no-confidence vote. At kung buong parliament naman ang pumalpak, tulad ng nangyari sa Japan at Thailand nito lang, madaling buwagin at mag-special elections.
Kasabay ng buga ni Sotto ang statement ng Merrill Lynch, malaking banko at economic analyst, mula sa London. Anila ang pinaka-magandang nangyayari ngayon sa Pilipinas ay ang pagpalit mula presidential tungong parliamentary. Magiging matatag at episyente na raw ang gobyerno, kaya tumaya na raw sana ang foreign investors sa ekonomiya natin. Buti hindi nila nabasa ang pahayag ni Sotto tungkol sa unicameral parliament. Baka pati sila malito kung iiyak o tatawa.
Baka ang tinutukoy ni Sotto na rubber stamp parliaments ay yung sa North Korea at Cuba, na nasa ilalim ng mga diktadurya. Tulad sila ng fake na parliament ni Marcos sa ilalim ng martial law, ang Batasang Pambansa.
Sa 20 pinaka-mauunlad na bansa, 19 ang parliamentary at isa lang, ang America, ay presidential. Ano pang pruweba ang kailangan ni Sotto?