Kinuha kasi ni Lord si Tiotioen matapos barilin nang malapitan ni Police Chief Inspector Cenon Tenorio sa departure area ng NAIA matapos magkapikunan.
Parehong kasangga ng mga kuwago ng ORA MISMO sina Ed at Tenorio at walang masamang tinapay sa kanila. Ika nga, mga tunay na friends.
Kaya lang ang masama si Ed, six feet below the ground samantala si Cenon ay naghihimas ng karsel sa kasalanang hindi niya siguro pinagsisisihan. Sabi nga, talagang ganito ang life! Matira ang matibay.
Mahigpit si Ed sa pagpapatupad ng trabahong ibinigay sa kanya ni Al kaya naman marami ang naiirita at nabubuwisit todits.
Samantala, si Cenon ay alaws magawa dahil para sa kanya bilang pulis obey first, ask questions later kung napag-uutusan. Patay na si Ed dehins babalik ang life nito sa world samantala si Cenon ay nasa loob ng kalaboso kaya kapalaran na lamang ang magdidikta kung kailan siya lalaya sa karsel. Sabi nga, pahirap sa family.
Ang isyu, maraming natutuwa kay Capt. Wong nang hirangin toits ni Al bilang kapalit ni Ed sa NAIA - Emergency Operation Center pero sangkatutak din naman ang asar sa nangyari kasi sa dinami-dami ng APD sa airport si Boyet pa ang inupo sa trono.
Tiwala si Al na magagampanan ni Boyet ang kanyang new assignment.
"Kaya ba ni Boyet ang puwesto ni Ed?" tanong ng kuwagong natuklaw ng sawa.
"Alin iyong nakahiga," sagot ng kuwagong mental patient.
"Hindi nakahiga kamote iyong trabaho," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Pulis si Boyet kaya tiyak marami itong sex este mali experience pala."
"Kamote tingnan natin ang magagawa ni Boyet sa kanyang bagong assignment."
"Abangan!"