Cybersex den sa Cebu, hulog sa BITAG!

(Last Part)
Karugtong ito ng column ko noong Lunes tungkol sa cybersex sa Cebu na nahulog sa BITAG!

Sa nangyaring rescue operation, nagwala ang sinasabing may-ari ng umano’y cybersex den sa Cebu, ang kanong si Brickman.

Tigas pagmamalaki nitong sinasabing walang prostitusyong nangyayari sa kanyang pamamahay pero sa nakalap na ebidensiya ng mga otoridad ng CIDG 7, at sa bisa ng search warrant ng Region 7, lumalabas na cybersex ang nasabing operasyon nito.

Ganunpaman, walang nakuhang mga menor de-edad na kababaihan ng mga oras na iyon pero dahil sa mga ebidensiya tulad ng computer, webcams, anim na sex paraphernalias at sextoys maaari pa ring masampahan ng kasong Human Trafficking ang kanong si Brickman.

Gayundin ang pagsampa sa kanya ng kasong illegal possession of firearm dahil sa baril na nakuha sa bulsa ni Brickman ng CIDG -7 nung oras ng operasyon.

Isa pa lamang ang cybersex den sa Cebu ang nasampulan ng patibong ng BITAG. Kahit saan man ang teritoryo, gaano man ito kalayo. Mapa-tubig man, lupa at himpapawid.

Walang pinipili at pinalalampas ang patibong ng BITAG. Marami pang susunod sa aming listahan. Abangan!

Show comments