^

PSN Opinyon

Paano na kami?

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Ang pitak na ito’y walang sinisino
Kaya laging handa mahabang latigo;
Pinipilantik din kahi’t ang Pangulo
Kung namamali sa hakbangin nito!

At bakit nga hindi siya papaluin?
Kaming mga dukha gusto’y paluhain;
Karagdagang s’weldo’y nagawang pigilin
Gayong ito nama’y laon nang hiniling!

Kaming mga dukha’y laging kumakayod
Upang may makain sa sariling pagod;
Ang dagdag na s’weldong aming inaamot
Ayaw pang ibigay ng mga kuripot!

Pati ang Pangulong sabi’y maka-dukha
Ipinagdaramot ang kanyang kalinga;
Hininging umento naming mga dukha
Tinanggihan niya at hindi raw tama!

Mga kongresistang dati’y natutulog
Nagbigay umento sa mga busabos;
Sa ibinigay nilang 125 pesos
Sabi ng Pangulo — bansa’y hihilahod!

‘Tagal nang hilahod itong ating bansa
dahil etsa-pwera mga manggagawa;
ang tripartite body na silang bahala —
hindi kumikilos walang ginagawa!

Salamat, salamat sa mga congressman
Kahi’t kakarampot ngayo’y naisipan
Na sa tatlong taon ay mabiyayaan
Kaming mga dukhang laborers ng bayan!

Ang hindi maganda sa nangyaring ito
Ang isasa-batas na konting umento —
Ay kinontra pa rin ng ating Pangulo
Pagka’t panig siya sa nasa negosyo?

Kung laging ganito’y paano na kami
Kaming mga dukha na palaging api?
Silang nasa p’westo’t mga negosyante
Bundat na bundat na’y lagi pang mas’werte!

AYAW

BUNDAT

GAYONG

HININGING

IPINAGDARAMOT

KAHI

KARAGDAGANG

KAYA

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with