Nagkakaroon ng gout dahil sa mataas na deposits ng monosodium urate crystals na naiipon sa mga kasu-kasuan. Nasa dugo ang mataas na level ng uric acid.
Karaniwang ibinibigay sa may gout ang gamot na Colchicine para mabawasan ang pananakit at ang pamamaga. Gayunman, ang Colchicine ay nagiging dahilan ng diarrhea at ang pinaka-serious na side effects ay ang pagkapinsala ng bone marrow. Ipini-prescribed na rin ang nonsteroidal anti-inflammatory drug kasama ang Allopurinol. Ang Allopurinol ay gamot na humahadlang sa production ng uric acid sa katawan. Ang gamot na ito ay kapaki-pakinabang sa mga may mataas na uric acid blood level at ganoon din sa mga may kidney stones. Dapat namang i-monitor ng doctor ang mga gumagamit ng Allopurinol sapagkat ang magti-take nito ay maaaring makaranas ng pananakit ng sikmura, skin rash, pag-decrease ng white blood cell count at maaaring mapinsala ang atay.
Hindi lamang sa hinlalaki maaring tumama ang gout kundi pati na rin sa balikat, siko, daliri, gulugod, baywang at iba pang bahagi ng katawan.
Paano maiiwasan ang magkaroon ng gout? Ganito ang gawin
Bawasan ang timbang at ang pag-inom ng alak.
Bawasan ang pagkain ng mga mataas sa purines. Ang mga pagkaing ma- taas sa purines ay ang atay, kidneys, utak, sardinas, dried beans, asparagus, cauliflower, mushrooms at spinach.
Uminom nang walong basong tubig araw-araw.
Kung umiinom ng gamot para sa high blood pressure, i-check sapag- kat maaaring ang dahilan ng gout ay ang thiazide deuretics.