^

PSN Opinyon

Re-election sa National Press Club

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAGDESISYON si Manila Judge Aida Layug, ng Regional Trial Court branch 46, regarding sa re-election ng mga nagbanggaan media practitioners.

Wala kasing natalong kandidato sa eleksyong naganap noong Mayo 14 kaya naman nalito ang mga miyembro ng NPC.

Nagkaroon ng dalawang Prez, dalawang Vice-Press, dalawang Secretary, dalawang Treasurer, dalawang Auditor at siyempre 20 Board of Directors. Kaya ang nangyari kanya-kanyang pormahan sa klub. Ika nga, matira ang matibay!

Nagpapasalamat ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil ultimo ora ay nagdesisyon na rin si Judge Layug para naman malagay sa ayos ang NPC plus the members.

Naglaban for your information noon May 14, ang Press Freedom Party versus refine este mali Reform Party pala.

Roy Mabasa, ng Bulletin vs. Alice Reyes for Prez, Benny Antiporda, ng Remate vs. Roman Floresca, ng Philippine Star for Vice Pres., Louie Logarta, ng The Tribune vs. Lilibeth Ison for Secretary, Amor Virata vs. Jimmy Cheng, for Treasurer, Jun Cobarrubias vs. Ariel Borlongan, for auditor.

Sa Board of Directors ng Press Freedom Party ang candidates ay sina William Depasupil, Joel Egco, Alvin Feliciano, Dennis Fetalino, Ding Generoso, Rolly Gonzalo, Sammy Julian, Boy Togonon, Joey Venancio at Jerry Yap.

Sa Reform Party naman ay sina Bobby Coles, Vic Felipe, Ellen Fernando, Lysander Garcia, Belen Gonong, Domeng Landicho, Chando Morallos, Benjie Murillo, Babhy See at Gabby Mabutas.

Ang mga Independent candidates ay sina Pepsi Guerrero at Freddie Manalac.

Malaking pasasalamat ng mga kuwago ng ORA MISMO, at nagdesisyon si Judge Layug para one thing for all magkaalaman kung sino talaga ang nasa puso ng mga NPC members. Hin-di yung lahat ng kandidato ay nanalo. Puwede ba iyon?

Sabi nga, only sa NPC. He-he-he!

Matitindi kasi ang batuhan ng baho todits bago mag-2006 NPC Election kesyo ang mga taga-Press Freedom Party ay mga hao-shiao, smugglers, etcetera kaya naman nanggagalaiti sa galit ang grupo ng partidong bida.

‘‘Kailan ba ire-replay ang eleksyon sa NPC?’’ tanong ng kuwagong talunan na kandidato sa partidong Laos?

‘‘Baka sa June 18 next Sunday’’ sagot ng kuwagong taga-COMELEC.

‘‘Magkadayaan kaya sa botohan?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Hindi no! May kinatawan ang korte todits’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Sa palagay mo sino ang mananalo sa 2006 NPC re-ELECTION?’’

"Kamote ang mananalo diyan ang partido ng mga bida.’’

‘‘Sino sila?’’

‘‘Abangan muna lang ang resulta ng mga botante next Sunday’’

‘‘Sige na nga, kamote!"

vuukle comment

ALICE REYES

ALVIN FELICIANO

AMOR VIRATA

ARIEL BORLONGAN

BABHY SEE

BELEN GONONG

BENJIE MURILLO

JUDGE LAYUG

PRESS FREEDOM PARTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with