^

PSN Opinyon

Tamang ehersisyo at diet

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MAY mga kaibigan ako na lampas 60 years old na pero maganda at malusog pa rin ang katawan. Ang kanilang sekreto: Regular na pag-eehersisyo at tamang diet.

Si Perla, 66, ay nagsabi na hindi niya kinakalimutang mag-exercise araw-araw. Mahilig daw siyang mag-ballroom dancing. Madalas siyang mag- lakad. Ilang blocks ang kanyang nilalakad patungo sa tirahan niya sa Mandaluyong City. Mahalaga raw ang paglalakad para masunog ang fats at calories sa katawan.

Si Caridad, isang kaibigan na nakatira sa White Plains ay nagbi-brisk walking tuwing umaga. Mabilis daw ma-burn ang calories at toxins sa katawan sa brisk walking.

Si Lolit, isa pang kaibigan ko sa Ayala-Alabang ay may sinusunod na diet para mapanatili ang kanyang figure.

Paggising niya sa umaga, hindi siya nagka-kape. Pineapple juice o camote juice ang kanyang iniinom. Ang camote juice ay galing sa nilagang kamote na nilagyan ng honey. Sa tanghali, dalawang hinog na saging na saba (hindi nilagang saba) ang kinakain niya. Sa gabi naman ay kumakain siya ng kanin, isda, gulay at prutas.

Laging tandaan, mahalaga ang exercise at ang tamang diet sa katawan.

vuukle comment

AYALA-ALABANG

ILANG

LAGING

MABILIS

MADALAS

MANDALUYONG CITY

SI CARIDAD

SI LOLIT

SI PERLA

WHITE PLAINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with