Napatunayan na ng mga estatistika at karanasan ng ibat ibang bansa sa mundo na ang parusang kamatayan ay hindi nakasusupil sa mga krimen.
Ang tunay na sagot sa pagsupil sa mga krimen ay sa pamamagitan ng maigting na pagpapatupad ng mga batas. Sagot din ang pagtutulungan ng mamamayan at awtoridad.
Kapag ang mga mamamayan ng isang bansa ay may sapat na ikabubuhay, may sariling tahanan, nakapag-aaral ang mga anak, may trabaho, nakapaglilibang at higit sa lahat ay may panahong manalangin sa isang Diyos, hindi makakaisip ang mga tao na gumawa ng mga krimen. Ang mga gawaing nabanggit ay ang pagpapalaganap ng kultura ng buhay na malalimang tinalakay sa isang pahayag na ginawa ng yumaong Pope John Paul II.
Oo ngat may mga taong sadyang walang pakialam sa kultura ng buhay, sa halip ay nagpapalaganap pa ng kultura ng kamatayan at karahasan. Subalit, kung tutuusin, silay mas kakaunti kung ikukumpara sa mga tao na nagnanais ng kultura ng buhay.
Ang dapat sanang mangyari ay manindigan ang mga taong naniniwala sa kultura ng buhay at walang takot nila itong isabuhay at ipalaganap.