^

PSN Opinyon

Sino nga ba ang destabilizer?

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
SAAN ba kayo nakakita ng isang bayan na kung saan parang ordinaryo lang sa isang National Security Adviser ang magsabi na may banta sa buhay ng kanyang presidente, at ni hindi man lamang siya nagbibigay ng katibayan kung talagang totoo nga ito? Yan na nga ang ginawa ni Secretary Bert Gonzales, at hindi lang yan, sinabi niya pa na may mga killing fields na rito sa Pilipinas, at hindi rin siya nagbigay ng katibayan. Hindi ba niya naisip na dahil sa kanyang mga ginawa, ay tinakot na niya ang mga foreign investor, kaya para na ring siya na mismo ang nag-destabilize sa kanyang sariling gobyerno?

Ito naman si Justice Secretary Raul Gonzalez, of all people, bakit siya pa ang nagsabi na dapat mamundok na lamang ang mga progresibong kongresista? Hindi ba’t dahil sa kanyang sinabi, parang nawalan na rin ng pag-asang magkaroon ng kapayapaan sa ating bansa, kaya para na ring siya ang nag-destabilize sa kanyang sariling gobyerno? At dahil sa hinikayat niya ang mga kongresistang ito na humawak na lamang ng armas, hindi ba’t para na ring siyang nag inciting to sedition?

Sa ginawa ng dalawang kalihim na ito, wala man lang tayong narinig kay Mrs. Gloria Macapagal Arroyo. Ang ibig kong sabihin, ay hindi man lamang niya sinita ang dalawang ito. Sa halip, ang sinabon niya ay si Acting Education Secretary Fe Hidalgo na wala naman talagang kasalanan dahil nagsabi lang naman siya ng totoo na kulang naman talaga ng mga classrooms ang ating public schools. Ganito na ba ang style ng ating gobyerno ngayon na ang nagsasabi ng totoo ay sinasabon na, at ang hindi nagsasabi ng totoo ay pinapabayaan na lamang?

Sa nakikita ko ngayon, ang mga binabansagan lamang na destabilizer ay ang mga kalaban ni Mrs. Arroyo, kahit hindi naman tiyak na kinakalaban nila ang estado. Hindi si Mrs. Arroyo ang estado at hindi ibig sabihin na ang kumakalaban sa kanya ay may sadyang kalabanin ang estado.
* * *
Tune in to "USAPANG OFW" on DZRH AM radio every Sunday from 10 to 11 AM. Email [email protected], text 09187903513, visit my website www.royseneres.com, call 5267522 or 5267515 or visit Our Father’s Coffee.

ACTING EDUCATION SECRETARY FE HIDALGO

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

MRS. ARROYO

MRS. GLORIA MACAPAGAL ARROYO

NATIONAL SECURITY ADVISER

OUR FATHER

SECRETARY BERT GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with