Isang mabisang paraan para mapangalagaan ang mga estudyante sa mga masasamang-loob ay ang pagkakaroon ng police visibility. Kapag may mga pulis na nagpapa- trulya, nagdadalawang-isip at natatakot ang mga mapagsamantala kaya dumidistansya sila at nahihintay ng tamang oras at pagkakataon para sumalakay.
Ipinag-utos ni President Gloria Macapagal-Arroyo sa mga pinuno ng pulisya at militarya na pag-ibayuhin ang kampanya para mapangalagaan ang mga estudyante. Iisa ang dahilan ng mga nahuhuling mangungulimbat. Nagawa nilang magkasala dahil nagugutom sila, walang hanapbuhay, merong may-sakit na kapamilya kaya napilitan silang kumapit sa patalim.
Paigtingin ng pulisya ang pagbabantay sa mga paaralan at nang hindi malagay sa panganib ang mga estudyante.