^

PSN Opinyon

Police visibility sa mga paaralan

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
BUKAS ang umpisa ng pasok sa school at kapag ganitong pasukan naglipana na naman ang mga mandurukot, holdaper at snatcher.

Isang mabisang paraan para mapangalagaan ang mga estudyante sa mga masasamang-loob ay ang pagkakaroon ng police visibility. Kapag may mga pulis na nagpapa- trulya, nagdadalawang-isip at natatakot ang mga mapagsamantala kaya dumidistansya sila at nahihintay ng tamang oras at pagkakataon para sumalakay.

Ipinag-utos ni President Gloria Macapagal-Arroyo sa mga pinuno ng pulisya at militarya na pag-ibayuhin ang kampanya para mapangalagaan ang mga estudyante. Iisa ang dahilan ng mga nahuhuling mangungulimbat. Nagawa nilang magkasala dahil nagugutom sila, walang hanapbuhay, merong may-sakit na kapamilya kaya napilitan silang kumapit sa patalim.

Paigtingin ng pulisya ang pagbabantay sa mga paaralan at nang hindi malagay sa panganib ang mga estudyante.

ESTUDYANTE

IISA

IPINAG

ISANG

KAPAG

NAGAWA

PAIGTINGIN

PARA

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with