^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Kampanya ng MMDA vs naninigarilyo, palpak!

-
ISANG buwan na ang nakararaan, sinabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na paiigtingin nila ang kampanya laban sa mga naninigarilyo sa mga publikong lugar at mas lalo ang mga nasa loob ng pampublikong sasakyan. Pero ang kampanya ng MMDA ay tila nilamon na naman ng ningas-kugong ugali. Walang makitang ini-implement ng MMDA ang kampanya nila laban sa mga naninigarilyo. Paano pa ba maniniwala ang taumbayan kung ganito ang ipinakikita ng mga ahensiya ng pamahalaan. At isipin pang ang paninigarilyo sa mga publikong lugar ay karumal-dumal doon sa mga may malasakit sa kanilang kalusugan.

Noong Lunes ay ginunita ang World No Tobacco Day. Walang tabako o sigarilyo dapat sa araw na iyon pero dahil walang ngipin ang batas o hindi siniseryoso ang kampanya, marami ang naninigarilyo. Masaklap pa ngang ang mga naninigarilyo ay ibinubuga ang kanilang usok sa katabi. Marami ang nakalalanghap ng segunda manong usok at malamang na una pa silang magkasakit kaysa sa tunay na naninigarilyo.

Ang World No Tobacco Day ay balewala sa-pagkat marami naman ang hindi nakaaalam na ginugunita pala ang araw na walang tabako. Kung ang mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo ay hindi alam nang nakararami, imposible nga nilang malaman na mayroon palang World No Tobacco Day.

Sa report ng World Health Organization (WHO), 3,000 katao ang namamatay araw-araw dahil sa paninigarilyo. Kaya nagbabala ang WHO na iwasan ang paninigarilyo. Mas lalong delikado pa anila ang second hand smoke na nalalanghap ng mga hindi naninigarilyo.

Malambot ang batas sa bansang ito laban sa mga naninigarilyo. Maraming lumalabag sa kabila na mahigpit nang ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at sasakyan. May mga alagad ng batas na kinokotongan lamang ang mga mahuhuling naninigarilyo sa sasakyan.

Habang ang Department of Health at mga mambabatas ay nag-iisip ng paraan kung paano masasawata ang paninigarilyo patuloy naman ang cigarette companies sa pagpapasarap at pagpapaganda ng kanilang produkto at pati mga kabataan ay naaakit nang manigarilyo.

Nasaan na ang kampanya ng MMDA sa mga naninigarilyo sa publikong lugar? Wala na!

ANG WORLD NO TOBACCO DAY

DEPARTMENT OF HEALTH

HABANG

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NANINIGARILYO

NOONG LUNES

WALANG

WORLD HEALTH ORGANIZATION

WORLD NO TOBACCO DAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with