^

PSN Opinyon

Promissory note

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NOONG November 16, 1995, pinautang ng PBC ang International Trading Co (ITC). Bilang ebidensya ng pautang ang isang promissory note at isang continuing surety agreement na pirmado nina Elena at Ramon, mga opisyal nito. Samantala, noong January 21, 1998, muling nagpautang ang PBC sa ITC sa pamamagitan ng promissory note Renewal BD 829802101 sa halagang P3 milyon. Hayagang nakasaad dito na anumang legal na hakbang na maaring magmula sa nasabing promissory note ay tanging sa lunsod lamang ng Makati "to the exclusion of all other courts" ang venue o ang lugar ng paglilitisan.

Gayunpaman, hindi nakabayad ang ITC at ang mga surety nito sa itinakdang panahon, kaya, niremata ng PBC ang ari-ariang real na naisangla ng ITC, na pinahalagahan nina Elena at Ramon na P1,081,600 at may balanseng P4,014,297.23 noong August 31, 1999. Upang mabawi ang balanse, naghain ng reklamo ang PBC laban kina Elena, Ramon at ITC sa Regional Trial Court (RTC) ng Maynila.

Samantala, hiniling nina Elena, Ramon at ITC na madismis ang reklamo ng PBC dahil sa improper venue, taliwas sa mahigpit at eksklusibong venue na nakasaad sa promissory note na dapat ay sa Makati City ito naihain. Subalit iginiit ng PBC na wala raw namang paghihigpit ng venue na nakasaad sa surety agreement kung saan base ang reklamo kung kaya’t ang reklamo ay maaaring ihain sa Maynila, ang lugar ng negosyo ng PBC. Tama ba ang PBC?

MALI.
Ang mahigpit na kasunduan sa venue ng reklamo na nakasaad sa promissory note ay nag-aaplay din sa surety agreement na sumusuporta rito dahil ang dalawang kontrata at ang lahat na pangyayari sa pagsasagawa nito ay magkakaugnay.

Sa katunayan, inaprubahan ng PBC ang pautang nito sa ITC dahil bukod sa promissory note, ginarantiya ng surety agreement ang pangunahing obligasyon nito. Ang surety agreement ay accessory sa principal loan agreement na nakasulat sa promissory note. Kaya, ang pagpapatupad ng promissory note ay nakadepende sa surety agreement.

Sa pagpapatupad ng isang surety contract, kinakailangan itong iugnay sa promissory note dahil ito ang magsasabi ng utang na masisingil sa anumang reklamo sa mga sureties. Bukod dito, ang promissory note ay isang contract of adhesion na hiniling ng PBC sa ITC na isagawa bilang kondisyon sa pag-aapruba ng pautang nito. Ito ay ayon sa pormat at wika ng PBC. (Philippine Bank of Communications vs. Lim, et.al. G.R. 158138, April 12, 2005. 455 SCRA 714).

AGREEMENT

ELENA

INTERNATIONAL TRADING CO

ITC

MAKATI CITY

MAYNILA

NOTE

PBC

PROMISSORY

SURETY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with