Update sa Baywalk!
May 31, 2006 | 12:00am
BAGAMAT na-relieve na ang dalawang pulis na nakadistino sa BAYWALK na sina PO2 Kristal at PO3 Bucad at ang kanilang hepe na si Capt. Jesus Respes na subject ng surveillance ng BITAG, patuloy pa rin namin itong tinututukan.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring mga karatula ng ordinansa ng Maynila sa BAYWALK na nagsasabing bawal uminom ng anumang nakalalasing habang lumalakad sa kahabaan ng BAYWALK.
Muling nilibot ng mga BITAG undercovers ang BAYWALK upang kumpirmahin kung may mga karatula nang nakapaskil sa nasabing lugar, ngunit ni isa ay walang namataan ang grupo ng BITAG.
Matatandaang sinabi ng City Administrator ng Maynila na si Dino Noble na pansamantalang sinusus-pindi ang nasabing ordinansa na bawal uminom ng beer sa kahabaan ng BAYWALK habang namamasyal sa naturang lugar.
Panawagan ng BITAG sa mga taong mahilig at madalas mamasyal sa BAYWALK, sa sandaling hulihin kayo sa nasabing lugar dahil lamang umiinom kayo habang kayo ay namamasyal gayong wala namang nakapaskil na mga karatula ng nasabing ordinansa, huwag mag-atubiling lumapit sa amin.
Bagamat nahulog na sa aming patibong ang mga dorobong kotongero na sina PO3 Kristal at PO2 Bucad, hindi pa rin kami tapos dahil mananatili kaming nakamasid sa bawat kilos ninyo diyan sa BAYWALK.
At sa inyo naman diyan sa Manila City Hall, ipaskil na ninyo ang mga karatula na magsisilbing babala sa ating mga kababayan na mahilig magpunta diyan sa BAYWALK.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended