^

PSN Opinyon

Pati masahe magaling at mura sa China

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NAKALIGTAAN kong ikuwento ang isang simpleng karanasan sa China kung saan bumisita ako roon kasama ng ilan pang mga mamamahayag, isang linggo na ang nakararaan.

Partikular ito sa Yiwu, Zhejiang province, China kung saan kinuwento ko na ang kanilang mga literal na mga dambuhalang mga malls. Naisip ko bakit pinagmamalaki ng isang mall owner dito sa atin na sila ang pinakamalaki sa Asia.

Alam nating malaki sila pero huwag naman nila sabihing sila ang "pinaka" dahil malinaw na panloloko ito bukod pa sa baka tayo ang maging tampulan ng mga kantiyaw ng mga turistang dadalaw dito na napasyalan na ang mga super laking mga malls sa ibang panig ng Asia.

Nasabi ko na nga sa isang mall pa lang sa Yiwu na tinatawag nilang commodity center ay may 10,000 tindahan ang phase one pa lamang kumpara sa kulang kulang 1,000 stalls ng supposedly pinakamalaking mall sa Asia na nandito daw sa atin.

Anyway, dahil nga sa haba ng nilalakad at gusto ko talagang matuklasan ang source ng super murang mga paninda sa Baclaran, Binondo, Divisoria, Tutuban at 168 ay nagkayayaan kami na subukan ang kanilang foot massage.

Tumuloy kami sa isang apat na palapag na gusali na may mahigit 10 kuwarto kada floor at minimum na apat na special massage chair kada silid.

Magkakasama kami sa kuwarto ni Bum Tenorio ng Philippine STAR, Jullie Yap Daza ng Bulletin at Tempo at isang Pilipino Chinese na nagsilbing interpreter at guide namin sa Yiwu.

Nagpalit kami ng shorts para naman mapasarap ang masahe ng aming mga paa na halos magkakalyo na sa kalalakad.

May tig-iisang baso na ho kami ng mainit na tsa-a at isang hiwa ng matamis na pakwan. Masarap na agad ang pakiramdam namin pagkahigop sa mainit na tsa-a at pagkagat sa pakwan.

Binabad ang aming mga super tired feet sa isang malaking lalagyan na gawa sa kawayan pero may plastic sa loob na binuhusan naman ng mainit na tubig na may halo raw tea, bulaklak at gamot upang ma-relax daw kami nang husto.

Habang nakababad ang paa namin ay minasahe ang likod at mga kamay namin. Wow, super sarap dahil pagod nga po ang lolo ninyo, as in super at nakapapagod ang paglalakad ng sobrang haba.

Pagkaraan ng 15 minutes na babaran ay pinunasan ang aming mga paa at binalot ang isa sa malinis na tuwalya samantalang inumpisahan na ang masahe sa isang paa na pinunasan ng mabangong cream na may sulat Chinese pero ngayon lang namin nakita.

Masarap ang masahe talaga, mga himas na nagpatulog sa amin hanggang sa gisingin kami ng punasan naman ang mga ngayon relax ng feet ng mainit na tuwalya.

Nagkakantiyawan pa nga kami dahil ang inyong lingkod ay humihilik ayon kay Bum at Ma’am Jullie. Dati ko hong naging editor si Ma’am Jullie na super sisterly pa rin. Ayaw ko hong gamitin ang motherly kasi young at heart naman siya forever.

Pero bago ako lumayo ng husto, pagkatapos ng pagpupunas ng mga masahistang Chinese ay binalot nila muli sa mga tuyong tuwalya ang aming mga paang nakapatong sa upuang malambot.

Hindi nagtagal, nagsibalik sila at doon kami lubos namangha, may dala silang mga bagong medyas na kinuha nila sa plastic na lalagyan.

Sinuutan kami at pagkatapos ay nagpaalam. Pinigilan namin sila at nais sana naming magbigay ng tip pero lalo kaming namangha dahil bawal daw sa kanila ang tumanggap ng tip.

Wow, medyas na bago na para raw hindi malamigan ang aming mga paa tapos ayaw pa ng tip. Pero hindi diyan nagtatapos ang kuwento namin.

Lahat kami ay sinuutan ng tig-iisang medyas pero si Bum sa hindi pa rin namin maintindihang dahilan ay binigyan pa ng dalawang bagong medyas na nakabalot pa sa plastic. Sa mga nais malaman, siya ho ang tanungin n’yo dahil ultimo sa amin ayaw niya aminin. Ang sagot niya ay ngiting may laman.

Pero ang pinaka-nakakagulat ay ito, magkano ang ganoong masahe sa kanila. Masaheng maganda at malinis ang lugar, tsa-a at pakwan, malamig ang aircon, may gamot at tsa-a at bulaklak ang tubig na pinagbababaran ng paa at pati medyas at higit sa lahat walang tip.

Maniwala kayo o hindi, 40 yuan o mga P320 pesos. Dito sa atin ang ganoong masahe ay between P300 to P600 pesos, depende sa lugar pero puwera rito ang tip, walang medyas at walang pakwan. Kadalasan ho sa atin ay isang boteng tubig pero meron din namang nagbibigay ng tsa-a.

Ultimo sa pagmasahe mag-eenjoy ang turista sa kanila at ang matindi ay ang presyo. Talagang competitive sila mula sa presyo, sa serbisyo, produkto at kalidad.

Kaya natin iyan pero bakit hindi gawin?
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o [email protected] o mag-text sa 09272654341.

BUM TENORIO

ISANG

JULLIE

JULLIE YAP DAZA

KAMI

NAMIN

PERO

YIWU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with