Sinabi ni Fernando na kailangang walang amoy ang driver para maging kaaya-aya sa mga pasahero. Nakaaawa naman ang mga pasaherong kulob sa loob ng bus o jeepney sapagkat maaamoy nila ang anghit ng driver.
May mga driver na umangal sa kautusan sapagkat pang-iinsulto raw sa kanila. Hindi naman daw sila mabaho. Ang iba naman ay nagsabing labag ito sa kanilang karapatan. Ilang organisasyon din ang pumalag sa ideyang ito ng MMDA.
Gayunman, dedma lang si Fernando at namudmod pa ng mga deodorant at tawas. Obserbasyon ng ilan, makaaabala raw ang proyektong ito sa MMDA na dapat sana ay maituon sa problema ng trapiko sa Metro Manila. Sabi pa ni Fernando na hindi dapat panghinayangan ang oras para sa project "putok" sapagkat mahalaga ito sa kalusugan.
Putok ng project na ito ni Fernando marami sa mga transport at civic leaders ay kumakampi sa proyekto niyang ito. Isinama rin ni Fernando sa kampanyang ito ang mga MMDA traffic enforcers na mayroong mabangong hininga. Hindi lamang mga driver ang mabaho ang kilikili kundi maging ang mga traffic enforcer na amoy imburnal naman ang bunganga.