^

PSN Opinyon

May pabahay na sa La Mesa forest

SAPOL - Jarius Bondoc -
KAYA naman pala pursigidong magbahay ang 1,411 empleyado ng MWSS sa 58 ektaryang gubat ng La Mesa Dam na hindi dapat kalbuhin. Nauna na pala ang managers nilang magbahay sa 3.3 ektarya sa gilid mismo ng filtration plant doon. Kumbaga, gumagaya lang sa masamang ehemplo.

Paliwanag ni MWSS Administrator Orlando Honrade, maliliit lang naman ang mga bahay ng 94 managers at senior rank and file. Bungalows lang na tig-36 o 44 sqm ang karamihan, sa presyong P345,000-P390,000 kada unit. At nasa ibaba raw ng filtration ponds at La Mesa reservoir, kaya hindi nakakarumi sa tubig-inumin ng 14 milyong Greater Manilans.

Pero inamin din ni Honrade na binili na ng MWSS Corporate Office Multi-Purpose Cooperative ang lupa, at tinitulohan na sa kanila. Iniutang at inipon daw nila ang pagpapatayo ng mga bahay. Gan’un din daw ang iba pang housing projects sa paligid ng 3.3 ektarya.

’Yon na nga ang sinasabi kong bad example. Bakit tinituluhan sa kanila ang mga lote? Sa madaling salita, hindi ito staff housing para sa managers at empleyadong nagtatrabaho pa sa MWSS. Permanente at indibidwal na pabahay na nila ito – magretiro man o masibak – dahil pag-aari na nila. Kaya puwede rin nila itong ibenta sa outsiders, kabilang na ang mga teroristang nais lumason sa tubig o ng mall developers na nais magtayo ng matataas na gusali.

Dalawa ang implikasyon nito. Isinubo ng pabahay ang reservoir sa kapahamakan – labag sa unang tungkulin ng mga taga-MWSS. At nilabag nila ang batas na nagtatalaga sa Kongreso lamang na tukuyin kung anong lupaing pampubliko ang puwedeng isapribado.

Kung nagawa ito sa La Mesa watershed ng National Capital Region, talagang nanganganib na ang 378 pang ibang watershed ng bansa. Ano ngayon ang pipigil sa watershed managers at empleyado na gayahin ang estilo ng MWSS? Mauuhaw tayong lahat.
* * *
Lumiham sa [email protected]

ADMINISTRATOR ORLANDO HONRADE

ANO

BAKIT

CORPORATE OFFICE MULTI-PURPOSE COOPERATIVE

DALAWA

GREATER MANILANS

LA MESA

LA MESA DAM

NATIONAL CAPITAL REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with