^

PSN Opinyon

"Carabao" English

- Al G. Pedroche -
NOONG aktor pa si dating Presidente Joseph Estrada, madalas niyang papel sa pelikula ay bidang mababa ang pinag-aralan ngunit malakas ang loob mag-Inggles kahit pasemplang-semplang. Na-typecast siya sa kanyang "carabao english" kaya kahit nang nasok na siya sa politika, hanggang maging Pangulo, marami ang nag-aabang sa kanyang "Inggles-kalabaw".

Nang siya’y Senador pa, madalas ma-interview sa Malacañang ng mga reporter si Erap. Nagko-cover ako noon kay Presidente Ramos. Hindi naman ganoon kabaluktot ang kanyang Inggles. He could talk in English for hours with negligible grammatical slips. Halimbawa, sabi niya minsan, "Why are they accusing me? I don’t know them from Adams." (dapat, I don’t know them from Adam) isang English idiom na ibig sabihi’y di ko sila kilala mula sa ninunong si Adam.

Pero nakakaalarma ang pagbagsak ng kalidad ng Inggles ng ating mga kabataan. Baka dumating ang araw na ang mga Pilipino ay likas nang magsasalita ng tinatawag ng "carabao english."

Imagine, we used to be the number one English speaking country in Asia.
Ngayon, dumarami ang mga kabataang hindi makabuo ng tamang pangungusap sa Inggles.

Magbubukas na naman ang klase at ang tanong, handa na ba ang mga opisyal sa edukasyon para bumuti ang pagtuturo ng Inggles sa mga paaralan? Nasira ang Inggles ng mga Pinoy nang maupo ang administrasyon ni Cory Aquino. Sa panahong ito ginawang Tagalog ang medium of instructions sa mga paaralan. Marahil, ito’y sa dahilang dapat ipakita ng bawat Pilipino ang kanilang nasyunalismo. Tama iyan, pero we shouldn’t isolate ourselves as a nation. Ang Inggles ay isang importanteng wika. Habang lumiliit ang mundo, ang bawat bansa’y nakikipagtalastasan sa ibang nasyunalidad sa pamamagitan ng wikang ito. Mahalaga iyan sa pag-unlad ng bansa. Sa pakikipagkalakalan ng bawat bansa, kailangan ang Inggles para magkaunawaan. Paano huhusay sa Inggles ang estudyante kung ang kanyang guro ay bobo rin?

(Email me at [email protected])

ANG INGGLES

CORY AQUINO

ERAP

HABANG

INGGLES

PILIPINO

PRESIDENTE JOSEPH ESTRADA

PRESIDENTE RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with