^

PSN Opinyon

Pasalamat ng AFIMA SA PNP

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MAGANDA ang trabaho ng mga tauhan ng PNP na kumalkal sa mga gagong suspects sa ambush – slay case sa aming mga kabarong sina Fernando ‘‘Dong’’ Batul, radio broadcaster ng DYPR diyan sa Puerto Princesa City, Palawan at Alberto Orsalino, isang photojournalist ng pahayagang Saksi na tinambangan sa boundary ng Caloocan at Malabon.

Sabi nga, considered solved ang case problem!

Paghihiganti ang motibo kung bakit tinigok sina Batul at Orsalino ng mga gagong mamamatay tao.

Nabulgar kasi ang mga katarantaduhan nila sa kani-kanilang mga lugar kaya naman para makaganti sa mga ito ay tinumba ang ating dalawang bida.

Kinilala ng mga tulisan este mali kapulisan pala ang mga suspects sa pagtigok kay Orsalino na sina Rommel Lirazan, ng Cavite, sinasabing triggerman, Ramon Rivera at Reynaldo Nicolas, mga jail guards, ang sinasabing mga liquidation planners, Rancisco Sabe at isang Rolando Manaog, ng Malabon mga nagsilbing lookout.

Kasong murder ang isinampang case sa kanila pero sa ngayon at large ang mga nabanggit na kontrabida.

Samantala, ang tumira naman kay Batul ay bagitong tulisan este mali pulis pala ito raw ay si PO1Aaron Golipado, miyembro ng Palawan 402nd Palawan Provincial Regional Mobile Group, nahuli mismo sa loob ng Camp Crame ang bandido habang nagsasayaw este mali dumadalo pala sa isang pagdinig todits.

Inginuso si pato este mali Golipado pala ng mga testigo na isa toits sa tumira kay Batul.

Kaya naman sa trabaho ng mga magigiting nating katulisan este mali kapulisan pala pinapalakpakan natin at sinasaluduhan ang mga ito sa walang humpay na pag-casing sa ambush – slay ng dalawang bidang media practitioners.

May iba’t ibang motibo kasi ang mga kamote kaya sila pumapatay ng mga media practitioner napipikon ang iba sa kababanat samantala ang iba naman ay nawawalan ng delihensiya sa kabubulgar sa kanilang mga katiwalian.

Sabi nga, pitsa ang dahilan!

Tinigok si Orsalino, na isa ring Barangay kagawad sa kanilang lugar matapos niyang ibulgar ang illegal na gawain ng mga taong nakalaban niya todits.

Kaya ang nangyari ay pina-master siya para upakan at tipoken.

Ika nga, vendetta ang dahilan!

Nabuwisit kay Batul ang tumira sa kanya dahil dehins niya pala tinantanan sa radio ang mga kabulukan pinaggagawa ng mga gagong umupak todits.

Sabi nga, napikon!

‘‘Ngayon considered solved na ang kaso sa dalawang tinigok kamakailan’’ sabi ng kuwagong hao-shiao na media.

‘‘Nagpapasalamat at saludo ang grupo ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag sa pangyayari’’ anang kuwa-gong SPO-10 sa Crame.

‘‘Kaya naman dapat palakpakan ang PNP."

‘‘Three cheers for them.’’

‘‘Mabuhay ang PNP, Mabuhay ang PNP, Mabuhay ang PNP kamote!’’

ALBERTO ORSALINO

BATUL

CAMP CRAME

FILIPINONG MAMAMAHAYAG

GOLIPADO

KAYA

MABUHAY

ORSALINO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with