Si FPJ na naging mahigpit na katung- gali ni President Arro-yo noong 2004 election ay napamahal sa sambayanang Pilipino sa paglalarawan niya ng ibat ibang katauhan sa puting tabing. Si FPJ ay kabilang sa FAMAS Hall of Fame at nagtamo ng Lifetime Achievement Award noong 1991 mula sa Film Academy of the Philippines.
Sa larangan ng literature ay nahirang si Bienvenido Lumbera, isang premyadong manunulat, guro at kritiko. Sa painting ay si Benedicto Cabrera o kilala sa tawag na Bencab." Sa fashion design ay si Ramon Valera. Sa arkitektura ay si Ildefonso P. Santos na arkitekto ng Nayong Pilipino, at Loyola Memorial Park.
Si Ramon Obusan na nagtatag ng pamosong Bayanihan Dance Company ay hinirang na national artist for dance at si Abdulmari Asia Imao naman ang national artist for sculpture.