^

PSN Opinyon

Naka-balatkayo kontra Cha-cha

SAPOL - Jarius Bondoc -
SINISIKAP sa Charter change ang repormang ekonomiya na wawakas sa karalitaan ng isa sa bawat tatlong Pilipino at gutom ng 2.8 milyon pamilya. Pero may mga lihim na sumisira sa Cha-cha, pinalalabas na pakana lang para panatilihin ang mga kongresista o paghiwalayin ang Republika.

Ani Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino, ang mga nananabotaheng ito ay mga naka-balatkayong dummies ng mga tiwaling foreign investors. May P15 milyong pambanat sa ads ang dummies, ani Antonino, at nag-down payment na ng P5 milyon sa isang PR firm. Takot daw ang dummies na alisin ang hadlang ng 1987 Constitution sa mabubuting investors, dahil hindi na sila mauupahan bilang ilegal na fronts. Sinisiraan nila ang Cha-cha upang mapanatili ang ilegal na kita.

Pinatutsadahan ni Antonino ang isang "lawyer-officer" ng Makati Business Club, na dummy din ng isang pumalpak na airport project, bilang isa sa mga nananabotahe sa Cha-cha.

Ang unang pumasok sa isip ko ay si Ricardo Romulo, chairman at kaisa-isang abogadong officer ng MBC. Maaalalang siya ang namuno sa ilang officer ng MBC na pababain si Presidente Gloria Arroyo nu’ng Hulyo 2005. Sagot noon ni Arroyo na si Romulo ay abogado ng Piatco sa ilegal na kontrata sa NAIA-3. Ang Fraport ng Germany ang ilegal na mayoryang may-ari ng Piatco. Ayon sa paper trail, nagtayo ang law firm ni Romulo ng dalawang money laundering firms ng Piatco na ginamit ni Alfonso Liongson para manuhol ng mga opisyales nu’ng termino ni Fidel Ramos, Joseph Estrada at Arroyo.

Tila si Romulo nga ang tinutukoy. Pero ayoko mani-wala na kontra siya sa Cha-cha. Kasapi kasi siya sa Preparatory Commission on Charter Review sa ilalim na pinamunuan ni retired Chief Justice Andres Narvasa nu’ng 1999 (panahon ni Erap). Sinulong nilang buksan ang ekonomiya sa investors, tulad ng sinusulong ngayon sa Cha-cha.

Pero kunsabagay, isa rin si Romulo sa mga MBC leaders na nu’ng 2000 ay namuno sa pagpapatalsik kay Erap. Sanay sa ahasan, kumbaga.

vuukle comment

ALFONSO LIONGSON

ANG FRAPORT

ANI NUEVA ECIJA REP

ANTONINO

CHA

CHARTER REVIEW

PERO

PIATCO

ROMULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with