^

PSN Opinyon

Cebu Manpower, hindi illegal recruiter!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
PATUNG-PATONG na kaso pala ang isasampa ng owner ng Cebu Manpower versus ilang top brass officials ng Philippine Overseas Employment Administration dahil sa akusasyon ng huli na ang una ay involved sa illegal recruitment. Sabi nga, illegal recruiter!

May lumabas na balita sa website ng POEA at maging sa ilang newspapers na ang Cebu Manpower ay illegal na nangangalap ng mga workers papuntang Sweden.

Sabi sa news, 27 people ang nagharap ng reklamo sa POEA dahil up to now ay dehins sila napapaalis ng Cebu Manpower para mag-hotraba sa isang pabrika sa Sweden.

Ang Cebu Manpower, ay isang licensed agency for the deployment ng Pinoy workers na ang owner ay si Beth Papag kasama ang ilang European investors na nag-invest sa Europa para gumawa ng Pinoy invented products. Ang company ay nangalap ng skilled workers para sa isang pabrika sa Sweden.

Sa hindi malamang dahilan matapos ibigay ng Cebu Manpower ang lahat ng important documents na kinakailangan ng Embahada natin sa Sweden at authen-ticated ni Vice Consul Porfirio Mayo Jr., ng Philippine Embassy sa Stockholm.

Nangalap ng mga Pinoy workers ang Cebu Manpower sa Pinas para makapagtrabaho sila sa aboard este mali abroad pala. Kaya lang ang problema naging urong-sulong ang POEA para sa pag-accreditation ng job order.

Ang POEA, kasi sa hindi malamang dahilan ay nag-withdraw sa kanilang ibinigay na accreditation sa Cebu Manpower na naging dahilan naman para magbulabog o malito ang mga ni-recruit na aplikante para sa nasabing hotraba.

Hindi lamang inalis ang akreditasyon kundi nagpalabas pa ng pangit na balita sa telebisyon at pahaya- gan sa Sweden ang POEA na sadyang ikinasira ng pangalan at reputasyon ng nasabing kompanya. Sabi nga, illegal recruiter sila!

Hindi dapat nagpa-dalus-dalos o nagpa-bright-bright todits ang POEA dahil natural lamang ang Cebu Manpower ay inisyuhan ng accreditation kaya na- man umarya ang mga ito upang mangalap ng mga applicants para tumugon sa kanilang commit- ment para sa kanilang principal at employers sa Sweden.

‘‘Ang Cebu manpower ba ay illegal recruiter?’’ tanong ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Hindi!’’ sagot ng kuwagong manananggol.

‘‘Ano ba itong POEA police, prosecutor, judge at recruiter na rin at the same time?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Interested ba ang POEA sa job order sa Sweden kaya pati ang legitimate agency ay ginaganito?’’

‘‘Paano na ito at na-sira ang pangalan ng Cebu Manpower sa Pi-nas at abroad?’’

‘‘Iyan kamote ang sasagutin ng POEA sa Ombudsman bukod pa sa na-file sa Civil Service Commission dahil hinaharass nila ang Cebu Manpower kaya naman nasira ang pangalan at reputation nito.’’

‘‘Abangan!’’

vuukle comment

ANG CEBU

ANG CEBU MANPOWER

BETH PAPAG

CEBU

CEBU MANPOWER

MANPOWER

PARA

PINOY

POEA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with