EDITORYAL - Mga kurakot sa BIR ang unang puksain
May 25, 2006 | 12:00am
TINALO ng Bureau of Customs ang Bureau of Internal Revenue sa collection ng buwis ngayong taong ito. Corrupt din ang Customs na katulad ng BIR pero may ipinakitang improvement kung paano makakakolekta ng lampas sa kanilang target. Ang BIR? Wala! Kaya naman disappointed si President Arroyo kay BIR Commissioner Jose Ma. Buñag. Ganoon man, kahit na palpak ang tax collection ng BIR sa pamumuno ni Buñag, hindi raw siya papalitan ni Mrs. Arroyo sa puwesto.
May katwirang ma-disappoint si Mrs. Arroyo sa performance ng BIR sapagkat napakalaki ng kakulangan nang dapat ay kanilang nakolektang buwis. Kapos ng P7.2 billion ang nakolekta ng BIR. Sino ang hindi madidismaya sa ganito kalaking kakulangan? Isipin na lamang na kinulang ang kanilang koleksiyon sa buwan pa naman na bayaran ng buwis ang April. Hindi na marahil sinabi ng isang Malacañang official kung paano nagalit si Mrs. Arroyo sa palpak na koleksiyon ng BIR. Baka hindi na niya kayang ilarawan ang kaanyuan ng Presidente sa pagkadismaya.
Ang target ng gobyerno ay makakolekta ng 78.6 billion noong April. Pero nabigo nga ang BIR at kinulang pa nang pagkalaki-laki ang koleksiyon. Ang sabi ng BIR kaya ganoon kalaki ang shortfall ay dahil sa sumusunod: Nagkaroon ng pagtaas sa paggamit ng withholding tax credits, mataas na tax credit certificates, mababang income tax payments at pag-increase sa paggamit ng minimum corporate income tax payments.
Marami pang sinabing dahilan ang BIR kung bakit nagkaroon ng shortfall. Pero kung susuriin, maliwanag na corruption ang dahilan kaya na-short ang collection. Maraming kurakot sa BIR na ang perang dapat ay mapunta sa kaban ng bansa ay sa bulsa nila napupunta.
Katulad ng mag-asawang taga-BIR na bumagsak sa "lifestyle check" na isinasagawa ng Department of Finance. Ang mag-asawa ay naka-assigned sa San Pablo City revenue district. Ang suweldo lamang ng mag-asawa kapag pinagsama ay P24,065 pero nakalulula ang kanilang ari-arian: May tatlong bahay sa San Pablo City at isa sa Baguio City at may limang mamahaling sasakyan. Ang kanilang mga anak ay parating nagbabakasyon sa ibang bansa.
Hindi iyan ang unang balita na may taga-BIR na bumagsak sa "lifestyle check". Marami pa. At hindi na nakapagtataka ngayon kung bakit bagsak ang koleksiyon ng BIR. Maraming kurakot doon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest