^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nasa hukay ang isang paa ng mga journalists

-
NUMBER one ang Iraq sa pinaka-mapanganib na lugar sa mundo para sa mga mamamahayag. At ang Pilipinas ang number two. Pinatunayan ang pagiging number two sa pinaka-mapanganib na lugar sa mundo nang isa na namang mediaman ang binaril at napatay kamakalawa sa Puerto Princesa City, Palawan. Hindi pa natatagalan nang may napatay na photojournalist at eto na naman ang isa pang parang manok na binaril.

Tama ang sabi ng Reporters Sans Frontieres (Reporters Without Borders) na ikalawa nga ang Pilipinas sa pinaka-mapanganib na lugar para sa mga journalists. Kalabisan nang sabihin, na ang isang paa ng mga journalists sa Pilipinas ay nakasawsaw na sa hukay. Nang patayin ang photojournalist na si Arnold Ursulino ng pahayagang Saksi noong nakaraang linggo, sinabi ng International Federation of Journalists na nakabase sa Brussels, na nakababahala na ang nangyayaring ito sa mga mamamahayag sa Pilipinas. Lumalala pa raw lalo ang sitwasyon sa Pilipinas. Sa halip na mabawasan ang mga pagpatay sa mga mamamahayag ay lalo pang nadadagdagan.

Sa pagkapatay sa radio commentator na si Fernando Batul, 36, tiyak na lalo pang mababahala ang mga grupo ng mamamahayag sa mundo. Baka sa halip na number two ay maging number one na ang Pilipinas dahil sa sunud-sunod na pagpatay. Isang linggo lang ang lumipas nang patayin ang photojournalist ay eto na naman at isang radio commentator naman ang itinumba.

Napatay ang commentator na si Batul nang pagbabarilin ng dalawang lalaking naka-motorsiklo dakong 6:35 ng umaga habang patungo sa kan-yang trabaho. Minamaneho ni Batul ang kanyang multicab nang pagbabarilin. Nagtamo siya ng 12 tama ng baril sa katawan. Si Batul ang ika-79 na journalist na napatay mula noong 1986, ayon sa National Union of Journalists of the Philippines. Siya ay dating vice mayor.

Marami nang napapatay na mamamahayag at ang nakapanlulumo, karamihan sa mga pagpatay ay hindi nalulutas. Matagal nang humihingi ng hustisya ang mga kaanak ng napatay na journalists subalit mailap ang katarungan.

Ang pagpatay kay Batul ay maaaring mapabilang sa mga unsolved crimes. Hindi na makakakuha ng hustisya ang mga kaanak. Ang pagpatay sa mga mamamahayag ay nararapat na bigyang katapusan. Pero sino ang magtatapos gayong maski ang karaniwang mamamayan ay hindi maprotektahan ng pamahalaan.

ARNOLD URSULINO

BATUL

FERNANDO BATUL

INTERNATIONAL FEDERATION OF JOURNALISTS

NANG

NATIONAL UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES

PILIPINAS

PUERTO PRINCESA CITY

REPORTERS SANS FRONTIERES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with