^

PSN Opinyon

Dating nag-overprice sa Hacienda Luisita?

SAPOL - Jarius Bondoc -
HUMUHUGONG sa barangay na sakop ng Hacienda Luisita na P2 milyon kada ektarya ito ibebenta sa mga magsasaka sa ngalan ng land reform. Kaya’t umaangal si Jobert Pahilga ng Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita na hindi ito makakayanan ng beneficiaries. Para lang silang lalong nilubog sa karalitaan, mas malala sa 16 na taon sa ilalim ng stock distribution option ng Cojuangco family ni dating President Cory Aquino.

Lalong nagmumukhang onsehan ang deal sa kabila ng pag-amin ni Agrarian Reform Undersecretary Narciso Nieto Jr. na P100,000-P300,000 kada ektarya lang pala ang pagbili o pagbenta sa marami nang tubuhan na ni-land reform.

Samantala, may ulat na nagpahiging na raw ang Cojuangcos sa team na magpe-presyo sa higanteng lupain. Ayon umano sa Hacienda Luisita Inc., bilang estate manager, dapat P1 milyon kada ektarya daw ang ibayad ng gobyerno. Kasi ito rin daw ang presyong ibinayad ng Bases Conversion and Development Authority sa Cojuangcos nu’ng 2003, nang kainin ang 77 ektarya ng bagong expressway.

Kung totoo ito, dapat pumasok sa eksena ang Ombudsman. Tila kasi may anomalyang naganap sa pagbayad ng BCDA.

Maraming tubuhan ang na-e-expropriate ng gobyerno para gawing highway, airport o iba pang public utility. Nitong nakaraang walong taon, sakop ang 2003, ang opisyal na valuation sa tubuhan ay P50 per square meter, o P500,000 kada ektarya. Sinasabi ng Cojuangcos na P1 milyon kada ektarya ang nasingil nila. Kung gayon, may overprice na P500,000 kada ektarya. Sa P77 milyon para sa 77 ektarya, P38.5 milyon ang overprice.

Hindi malinaw kung ano ang naging batayan sa special valuation na P1 milyon. Ang klaro lang, umalingasngas na ito nu’ng 2003 sa House of Representatives. Bulung-bulungan nu’n na may tumibang kongresista na nagbabalak kumandidatong Vice President sa 2004. Hindi siya sinisti noon dahil kakampi pa ng administrasyon, pero ngayon nasa oposisyon na.

AGRARIAN REFORM UNDERSECRETARY NARCISO NIETO JR.

ASYENDA LUISITA

BASES CONVERSION AND DEVELOPMENT AUTHORITY

COJUANGCOS

EKTARYA

HACIENDA LUISITA

HACIENDA LUISITA INC

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JOBERT PAHILGA

MANGGAGAWANG BUKID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with