Isa na rito ang nakilala kong dyipni drayber na si Mang Larry. Siyay nakatira sa isang bayan sa Quezon province. Sa kanyang pamamasada, disiplina ang kanyang pinaiiral, sumusunod siya sa batas-trapiko.
Sa kanyang pamamasada, kapag mga bata ang sumasakay lalot yaong mga naghahanapbuhay tulad ng pagtitinda ng isda o mga kakanin kung ano lamang ang bayad na ibigay sa kanya, ay kanyang tinatanggap. Ang katwiran niya: Sila man ay nais ding mabuhay. Marangal ang kanilang ginagawa, kung kaya hindi na dapat silang singilin ayon sa itinatadhanang pamasahe, bagkus dapat tulungan upang madama nila na may halaga rin sila sa buhay.
Nang tanungin ko si Mang Larry kung paano naman ang kanyang kikitain, ang naging sagot niya ay: "Hindi nagpapabaya ang Diyos " At tama siya. Sa ibang paraan, binibiyayaan siya ng Diyos na may makain ang kanyang pamilya sa araw-araw, na makapag-aral ang kanyang mga anak, at matustusan ang kanilang mga simpleng pangangailangan ayon sa abot ng kanyang kinikita.
Ang tumulong sa kapwa ay tunay na dakila. Sa mumunting paraan, naipapakita at naipapadama sa iba ang iyong pagpapahalaga, at ang pagkilala na anumang mayroon ka ay biyaya ng Diyos na ipinagkaloob upang ang naturan ding biyaya ay maging grasya para sa iba.
Maraming Mang Larry na hindi naghihintay ng ganting-kabutihan mula sa kapwa, bagkus nagpapasalamat pa sa mga kaloob ng Diyos. Naway mas dumami pa ang mga Mang Larry na handang tumulong sa kapwa, kahit sa mga mumunting paraan.