^

PSN Opinyon

Ang tumulong sa kapwa…

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
PATULOY ang pagtaas ng presyo ng langis kaya patuloy din ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang reklamo nang marami: pahirap nang pahirap ang buhay. Ngunit sa kabila niyan, marami pa ring mga tao ang may pusong tumulong sa kapwa.

Isa na rito ang nakilala kong dyipni drayber na si Mang Larry. Siya’y nakatira sa isang bayan sa Quezon province. Sa kanyang pamamasada, disiplina ang kanyang pinaiiral, sumusunod siya sa batas-trapiko.

Sa kanyang pamamasada, kapag mga bata ang sumasakay – lalo’t yaong mga naghahanapbuhay tulad ng pagtitinda ng isda o mga kakanin – kung ano lamang ang bayad na ibigay sa kanya, ay kanyang tinatanggap. Ang katwiran niya: Sila man ay nais ding mabuhay. Marangal ang kanilang ginagawa, kung kaya hindi na dapat silang singilin ayon sa itinatadhanang pamasahe, bagkus dapat tulungan upang madama nila na may halaga rin sila sa buhay.

Nang tanungin ko si Mang Larry kung paano naman ang kanyang kikitain, ang naging sagot niya ay: "Hindi nagpapabaya ang Diyos…" At tama siya. Sa ibang paraan, binibiyayaan siya ng Diyos na may makain ang kanyang pamilya sa araw-araw, na makapag-aral ang kanyang mga anak, at matustusan ang kanilang mga simpleng pangangailangan ayon sa abot ng kanyang kinikita.

Ang tumulong sa kapwa ay tunay na dakila. Sa mumunting paraan, naipapakita at naipapadama sa iba ang iyong pagpapahalaga, at ang pagkilala na anumang mayroon ka ay biyaya ng Diyos na ipinagkaloob upang ang naturan ding biyaya ay maging grasya para sa iba.

Maraming Mang Larry na hindi naghihintay ng ganting-kabutihan mula sa kapwa, bagkus nagpapasalamat pa sa mga kaloob ng Diyos. Nawa’y mas dumami pa ang mga Mang Larry na handang tumulong sa kapwa, kahit sa mga mumunting paraan.

vuukle comment

DIYOS

ISA

KANYANG

MANG LARRY

MARAMING MANG LARRY

NANG

NAWA

NGUNIT

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with