Pera-pera lang ang lakad ng NBI, Dir. Mantaring?
May 19, 2006 | 12:00am
HABANG kakutsaba ni racehorse bookies operator Alex Garces ang NBI, tuloy ang pag-expand ng negosyo niya na kabaligtaran naman sa sinapit ni Apeng Sy na nagsara. Kaya kampante si Garces na hindi siya gagalawin ng NBI bunga sa relasyon ng kapatid niyang pulis na si Beth Mendoza. Di tulad ni Apeng Sy na paboritong tirahin ng NBI kayat naisipan na niyang iwan ang negosyo niyang bookies nga.
Sa ngayon, nagko-concentrate na lang si Sy sa pagiging financier ng taniman ng gulay sa Baguio City at sa Mindanao. Subalit dahil haligi na nga ang pangalang Apeng Sy sa larangan ng bookies, sinalo ng katiwala niyang si Doming ang kanyang mga butas. Katulong ni Doming ang anak niyang si Freddie na inaanak naman ni Apeng Sy. Kaya ang siste, tuloy pa rin ang tunog ng pangalan ni Apeng Sy subalit sa totoo lang si Doming na ang nagpapatakbo ng negosyo niyang bookies. Get nyo mga suki?
Si Mendoza, ayon sa kausap ko sa MPD ay gumigitna lang sa laban noon ng karera sa sakop ng Station 6 kung saan siya naka-assign. Ang siste, kapag may llamadong kabayo na lalabas sa sindikato ni Garces, pinapaulanan ng grupo niya ng taya ang mga bookies ni Mendoza. Kayat umayaw si Apeng Sy, lulugo-lugo sa ngayon si Val Adriano at kaya patuloy na nag-ooperate si Lito de Guzman dahil may financier siyang Intsik na si Sammy.
Ganito ang sistema ni Garces mga suki. Dahil P200,000 ang gitna ng bookies niya sa Sta. Ana, ang mga horseowners ay kalimitang tumataya sa kanya sa pamamagitan ng mga nagkalat na ahente niya. Kapag tumaya ang horseowner ng P100,000, siyempre hindi makapagpanabla si Garces sa fronton dahil sa malaking porsiyentong ibinibigay niya. Kaya ang ginagawa ni Garces, ginagastos niya ang P50,000 sa mga kausap na hinete para i-perder ang kabayo. Get mo Mandaluyong Rep. Benhur Abalos Sir? Kapag may siguradong labas naman sa kabayo, tataya nang malaki si Garces sa bookies na hawak ni Mendoza at presto malaki ang umaakyat sa bulsa niya.
Sa ngayon, dahil umayaw na ang huling bangka niya na si Apeng Sy, may sariling bookies na si Beth Mendoza na matatagpuan sa Pagkakaisa St. at sa Callejon St., sa Sta. Ana. Malakas ang dalawang puwesto ni Mendoza, anang kausap ko sa MPD. kaya noong Martes, sinamahan mismo ni Mendoza ang mga tauhan ni Atty. Esmeralda ng NBI para hulihin ang bookies sa Vasquez St., Makati City na ang financier ay ang isang Toto Lacson, he-he-he! Ayaw ni Mendoza na may kakumpetensiya siya.
Sino si Garces? Yan ang magandang tanong. Ayon sa taga-MPD, si Garces ay nagmula rin sa wala at sa katunayan, sa apartment lang ni Emon ito sa Sta. Ana noon nakatira. Subalit dahil sa sindikato niya sa karera, nakapagpatayo ng apat na palapag na gusali sa Sta. Ana si Garces. Halos P8 o 10 milyon din ang iniambag ni pyramiding scam suspect Bong Espinocilla sa bahay ni Garces, anang taga-MPD. Si Garces, kasama ang right-hand man na si Sonny Cabantog, ay palaging makikita sa pista sa Sta. Ana sa madaling-araw kung saan nag-eensayo ang mga tatakbong kabayo. Siyempre, nakihalubilo siya sa mga hinete at sota para sa interes ng sindikato niya sa loob ng karerahan. Kaya habang patuloy ang negosyo ni Garces at Mendoza, bumababa ang pagtingin ng sambayanan sa NBI.
Tulad ng PNP sa liderato ni Dir. Gen. Arturo Lomibao kung saan ginagawang gatasan ang bookies operators, mukhang doon na rin patungo ang NBI sa pamumuno ni acting director Nestor Mantaring. Pera-pera lang ang lakad ng NBI sa ngayon, ha Dir. Mantaring Sir? Abangan ang mga "hingi-huli" na raid ng NBI sa mga puwesto ng magkapatid na Alex Garces at Beth Mendoza.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest