^

PSN Opinyon

Laganap na gutom hanapan ng lunas

SAPOL - Jarius Bondoc -
DALAWANG sariwang balita ang nagpasaya at nagpalungkot sa madla. Bumagal na ang population growth rate mula 2.36% nu’ng dekada-90 sa 2.1 % nitong nakalipas na limang taon, at 1.95% pa nga nu’ng 2005. Pero sa survey ng Social Weather Stations, dumami ang mga nakaranas ng gutom, mula 25.1% (2.54 milyon pamilya) nu’ng 2005 tungong 16.9% (2.8 milyon) nitong 2006.

Maganda ang birth rate figure na 1.95% nu’ng 2005 dahil malapit na ito sa government target na 1.9% sa 2001-2010. Kung mas konti ang taong pakakainin, mas mapagkakasya ang konti ring kita sa ekonomiya at pondo ng gobyerno sa programa para sa maralita.

Pero bakit dumami ang tag-gutom? Ibig sabihin lang, miski bumagal ang birth rate, masyado pa rin itong malaki – at masyado pa ring mahina ang ekonomiya at laan ng gobyerno sa maralita. Kumbaga, malaki pa rin ang agwat, at kailangang kumilos ang lahat.

Gutom ang tao kung kulang sa kita. Ayon sa World Bank, $1 o P50 lang kada araw ang kita ng 2.54 milyong pamilya nu’ng 2005. Nilabas sa TV kelan lang ang buhay ng mag-amang nagta-trabaho sa coconut farm. Hukot na si ama, menor de edad si anak. Tanghalian nila’y isang pinggang kanin na binuhusan ng instant noodles – walang sustansiya, pampalasa lang. Sagisag nila ang ngayo’y 2.8 milyon nang pamilyang hikahos.

Mabilis na solusyon kung magbabayad lahat ng tamang buwis at matigil ang katiwalian sa gobyerno. Kung gan’un, dadami ang pondo para sa maralita.

Pero ngayon pa lang sinasabi na ng mga ekonomista na kukulangin pa rin ang pondo miski tama ang buwis at walang corruption. Kasi raw mahina ang ekonomiya dahil kulang sa puhunan. Nasa Charter change talaga ang solusyon, para burahin ang mga probisyong kontra-investors.
* * *
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, tuwing Sabado, 8-10 a.m., sa DWIZ (882-AM o radio streaming sa www.aliw.com.ph/dwiz).

vuukle comment

ABANGAN

AYON

BUMAGAL

GUTOM

JARIUS BONDOC

NASA CHARTER

PERO

SOCIAL WEATHER STATIONS

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with