Kapabayaan ng barko
May 18, 2006 | 12:00am
ANG ANCO ay partner ship na naglululan ng mga kargamento. Nagmamay-ari sila ng lantsang de deskarga (D/B Lucio) at isang tugboat (M/T Anco). Ang D/B Lucio ay walang makina kaya kinakailangan pang hilahin ng M/T Anco para makarating sa ibang lugar. Noong September 23, 1979, ang SMC mula Mandaue ay naglulan ng 40,550 kahon ng mga beer sa D/B Lucio na hila ng M/T Anco patungong Estancia, Iloilo at San Jose, Antique. Ang 20,000 na kahon ay na-insure ng FGU Insurance Corp. sa halagang P858,500. Nang makarating ang D/B Lucio sa San Jose, Antique bandang 1:30 ng hapon ng September 30, 1979, iniwan kaagad ito ng tugboat M/T Anco. Sa oras na iyon, madilim na ang ulap at malalaki na ang alon sa dagat dahil sa bagyong Sisang. Kaya, hiniling ng sales supervisor ng SMC ang kinatawan ng ANCO na ilipat ang lantsa sa mas ligtas na lugar dahil sa laki na ng alon at hirap na rin ang mga kargador sa pagdiskarga ng mga kahon, subalit hindi nakinig ang kinatawan ng ANCO dahil mas naniniwala itong matatagalan ng lantsa ang malaking alon. Hindi nagtagal ay nag-iisa na ito sa daungan samantalang ang ibang barko ay nakadaong na sa Malandong na may limang kilometro ang layo.
Samantala, nang bandang 10-11 p.m. ng October 1, 1979, inabandona na ng tripulante ang D/B Lucio dahil pinutol na ng hampas ng alon ang lubid nito na nakakabit sa daungan. At nang maghatinggabi, sumadsad na ang D/B Lucio at ang 29,760 kahon ng beer na nagkakahalaga ng P1,346,197 ay inanod na rin ng tubig hanggang sa ito ay mawala na.
Nang magsampa ang SMC ng reklamo laban sa ANCO para mabawi nito ang halagang nawala sanhi ng Breach of Contract of Carriage, itinanggi ng ANCO ang pananagutan nito. Ayon sa ANCO, ang pinsala raw ay dulot ng bagyo na isang hindi inaasahang pangyayari at ang pinsala sa kargamento ay isang peligro na naka-insure laban sa insurance policy na inisyu ng FGU at bahagi ng polisiya nito. Samakatuwid ayon sa ANCO, kapag napatunayan silang may pananagutan sa SMC, kinakailangan silang bayaran ng FGU sa halaga at pinsalang ibabayad nila sa SMC. Tama ba ang ANCO?
MALI. Ang bagyong Sisang na nakapinsala sa kargamento ay dapat na naiwasan. Nagpabaya ang kinatawan ng ANCO na hindi mailipat ang D/B Lucio katulad ng ibang bapor sa mas ligtas na lugar. Hindi rin sana iniwan ng kapitan ng tugboat ang D/B Lucio lalo nat may papalapit na bagyo.
Napatunayan man na ang pinsala sa kargamento ay dulot ng bagyong Sisang, na isang kalamidad, hindi pa rin makakaligtas sa pananagutan ang ANCO sa SMC dahil nagkulang ang kinatawan ng ANCO na tumupad sa paggamit ng di-pangkaraniwang pag-iingat na hinihingi ng batas. Upang sana ay maligtas sa pananagutan ang ANCO, kinakailangan na ang kalamidad ang pinakamalapit at tanging sanhi ng pinsala at walang kontribusyon ng kapabayaan ang ANCO.
Wala ring pananagutan ang FGU insurance company sa malaking kapabayaang ginawa ng mga empleyado ng ANCO nang matira ang lantsa nito sa daungan nooong October 1, 1979 (FGU Insurance Corp. vs. Cour tof Appeals, et.al. , G.R. 137775, March 31, 2005. 454 SCRA 337).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am