Bakit sinisisi ni Rep. Salceda ang BIR?
May 18, 2006 | 12:00am
ANO ba ang totoo sa claim ni Rep. Joey Salceda? Sabi niya kailangang balasahin ang Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil bagsak ang tax collection nito. At the same time, taumbayan daw ang humihingi ng pagbalasa dahil sobra-sobra ang sinisingil na tax. Bagsak ba ang koleksyon o sobra-sobra? Nakakalito.
Kung tutuusin, napaka-unrealistic ng itinakdang revenue target ng gobyerno na P676 bilyong buwis na dapat makulekta ng BIR. Sinong parurusahan? Eh di taumbayan na nagdurusa na nga sa sobra-sobrang buwis. Hindi kuntento si Rep. Salceda sa koleksyon ng BIR, bagamat ayon sa datos ng ahensya, maganda naman ang performance nito. Gusto ni Salceda na balasahin ang BIR. By the way, economic adviser ng Pangulong Arroyo si Salceda.
Si Rep. Salceda at ang mga technocrats sa Department of Finance (DOF) ang nagtatakda ng mga revenue collection target ng BIR. Kung mabigo ang BIR sa itinakdang target, ang ahensya ang sisisihin. Sagad-sagad na sa buwis ang mga tao at mga negosyante kung tutuusin. Basta ang gusto lang kasi ng mga technocrats ay makalikom ng mas malaking pera para sa kaban ng bayan. Kesehoda kung saan ito hahagilapin ng mga revenue collecting agencies.
Kung isa kang opisyal o hard-working staff ng BIR at pipintasan pa ng ibang opisyal ng gobyerno ang ginagawa mong pagsisikap as if kulang pa, pihong demoralisado ang kalalabasan mo. Hinagpis nga ni BIR commissioner Jojo Buñag, ang P675 bilyong itinakdang revenue collection ng DOF sa BIR para sa buong 2006 na "unrealistic."
Taumbayan ba ang iniisip ni Salceda o ang pork barrel niya at ng kanyang mga kasamahang Solons na dapat mapunuan kung kaya kailangan ang ganyang koleksyon? Ipagpalagay natin maabot ng BIR ang dambuhalang target nila, imbes na magtipid ang mga opisyal ay gastos dito, gastos doon, kurakot dito, kurakot doon.
Heto pa ang tanong: Bakit hangga ngayoy hindi pa inaalis ng DOF ang revenue collection target ng BIR sa R-VAT na dapat nang i-credit sa Bureau of Customs, gayundin ang tax sa interes ng treasury bills na dapat ikredito sa Bureau of Treasury? Wala sa BIR ang problema saan mang anggulo tingnan.
(Email me at [email protected])

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest