^

PSN Opinyon

Ilegal na negosyo ang dahilan ng pagpatay kay Insp. Sarmiento

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MASYADONG masalimuot ang ambush-slay ni Insp. Danny Sarmiento ng CIDG sa Cubao noong nakaraang Sabado. Hanggang sa ngayon, wala pang linaw ang kaso ni Sarmiento at may agam-agam na mapasama pa ito sa mga unsolved crimes sa ating bansa. Kung sabagay, makulay ang buhay ni Sarmiento. Siya ang masasabing rose from the ranks o ‘‘ika nga’y may tahid na sa serbisyo. Kaya’t kung nangamuhan nang maigi si Sarmiento at nagkaroon din siya nang maraming kaibigan noong buhay pa siya, saan na sila sa ngayon?

Marami ring natulungan si Sarmiento at karamihan sa kanila ay mga gambling lords. Mukhang lumalayo ang mga amo at kaibigan ni Sarmiento sa ngayong patay na siya. Ayaw nilang madamay sa anumang sigalot sa buhay niya. Kaya’t tiyak, may kinalaman sa illegal na negosyo o pagiging kolektor ng intelihensiya ni Sarmiento ang pagpaslang sa kanya. Ang tanong lang ng pamilya niya, kumikilos ba ang pulisya, maging ang naging mga amo niya, para malutas ang kaso niya? He-he-he! Kung hindi malutas ng PNP ang kaso ng kabaro nila, paano na lang ang mga kaso ng sibilyan?

Ayon sa mga kausap ko, si Sarmiento ay naging management ng jueteng noon ni Tony Santos sa Quezon City. Naging kolektor din siya ng iba’t ibang unit ng pulisya at ang pinakahuli nga ay ang Anti-Illegal Gambling Task Force (AIGTF) ni PNP chief Arturo Lomibao. Sa AIGTF may nakaaway na major si Sarmiento pero marami ang nagsasabi sa akin na hindi ito ang naging ugat sa pagpaslang niya. Maging si Sarmiento mismo ang nagkukuwento noong buhay pa siya ukol dito sa away nila ni major na humantong sa hamunan ng barilan. Kaya lang nitong bago mamatay si Sarmiento, mukhang lumamig na ang away nila ni major na kinamumuhian ng mga gambling lords sa Metro Manila. Get mo Gen. Lomibao, Sir?

May anggulo rin na kaya pinatahimik si Sarmiento ay dahil sa away ng mga pulis na video karera opera- tors diyan sa kaharian ni Chief Supt. Nicasio Radovan, hepe ng Quezon City Police District (QCPD). Ito kasing grupo nina Gerry Peralta at Romy Malang at mga kapatid niya ay nagkabanggaan sa puwesto laban kay Renel Bernardo. Parehas kasing mga pulis ang VK operators sa QCPD kaya’t walang gustong magpakumbaba sa kanila. Gusto ng bawat isa ay sikat. Ang balita ko, nakisawsaw si Sarmiento sa gulo at inaalam ko pa kung kaninong grupo siya kumampi. Baka may alam dito ang katoto kong si Perry Mariano, ang isa sa mga malapit na kaibigan ni Sarmiento? Totoo ba Gen. Radovan na pati si Mariano ay may VK rin sa lugar mo? Ang alam ko, beer house ang negosyo ni Mariano pero luminya na rin pala ng VK. He-he-he! Kung saan may pagkakitaan, tiyak nandiyan si Mariano, di ba mga suki?

May balita rin na nitong nagdaang mga araw, bumili si Sarmiento, kasama ang ilang kasosyo, ng isang beerhouse diyan sa QCPD. At dahil abot niya ang pamamalakad sa negosyo dahil sa relasyon niya kay Mariano, mukhang naengganyo ni Sarmiento ang mga GRO sa iba’t ibang nightclub na lumipat sa lugar niya na hindi nagustuhan ng isang alyas Sy. Pero hindi ko sinabi na si Sy ang nasa likod ng pagpatay kay Sarmiento ha mga suki?

Abangan!

vuukle comment

ANTI-ILLEGAL GAMBLING TASK FORCE

ARTURO LOMIBAO

CHIEF SUPT

DANNY SARMIENTO

GERRY PERALTA

KAYA

MARIANO

NIYA

SARMIENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with