^

PSN Opinyon

Ilang mahalagang kaalaman

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
TINAGURIANG pinakabubungan ng mundo ang Mount Everest na nasa Nepal. Ito ang pinakamataas na bundok sa mundo, mahigit 29,000 feet. Ayon sa Nepalese scholar na si Khagendra Nagarkoti marami na ang nagtangkang umakyat sa bundok na ito sa Himalayas pero marami ang nabigo dahil sa matinding lamig at avalance ng yelo.

Sa taong ito tatangkin ng ilang Pilipino mountain climbers na akyatin ang Everest at itusok sa pinaka- pusod ng bundok ang bandila ng Pilipinas. Ang BANTAY KAPWA ay nakikiisa sa pagdarasal na harinawang magtagumpay ang historic adventure na ito.
* * *
Alam ba ninyo na mahigit sa 100 isla ang bumubuo sa Hundred Islands sa Lingayen, Pangasinan? Naging favorite scuba diving sites and mga isla ng mga turista. Mayaman sa naggagandahang yamang-dagat ang mga pulo kaya dito kinunan ang pelikulang ‘‘Dyesebel’’ isang obra maestra ng nobelistang is Mars Ronelo at dinirehe ng national artist na si Dr. Gerardo de Leon noong 1953. Isang rebulto ng sirena na minodel ni Edna Luna na gumanap na ‘‘Dyesebel’’ ang itinayo sa Hundred Islands.
* * *
Maraming American films ang kinunan sa Pilipinas at sinasabing milyong dolyar at pinakamataas na production cost ay ang ‘‘apocalypse’’ ni Francis Ford Copoda. Ang favorite Hollywood actor na si Tom Cruise ay nag-shooting din sa Pilipinas. Siya ang bida sa ‘‘Born on the Fourth of July’’ at isa pang matinee idol, si Richard Gere ang bida naman sa ‘‘An Order And A Gentleman’’ na maraming eksenang kinunan sa Subic.
* * *
Batay sa pag-aaral, ilan sa mga nagti-trigger ng migraine ay ang sobrang liwanag ng ilaw, matinding ingay, masangsang na amoy at maging ang usok ng sigarilyo at mga sasakyan. Sa mga may migraine dapat na iwasan nila ang sobrang pag-iisip at depression, paggamit ng contraceptive pills, mga pangkalmanteng gamot at pain killers, pagpapalipas sa oras ng pagkain, pagpupuyat, paninigarilyo, pag-inom ng alak, sobrang pagso-softdrinks, kape at tsokolate na may taglay na mapaminsalang cofeein. Ang mga pagkaing may salitre gaya ng tinapang isda, mga tocino at ibang karne na may nitrates ay ipinagbabawal din. Dapat na ipa-check-up palagi ang paningin gayundin ang sinusitis at iba pang respiratory problems.

AN ORDER AND A GENTLEMAN

DR. GERARDO

DYESEBEL

EDNA LUNA

FOURTH OF JULY

FRANCIS FORD COPODA

HUNDRED ISLANDS

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with