^

PSN Opinyon

Itigil na ang pagbabangayan solusyunan ang kahirapan

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
ARAW-ARAW, walang tigil ang banatan ng mga pulitiko. Batikos dito, siraan doon ang kanilang ginagawa. Ang nakakagulat pa, pare-pareho naman ang mga ibinabatong paratang na kung ihahambing sa pagkain ay matagal nang panis.

Ang ipinararatang nila kay President Arroyo ay ang Garci tapes, dayaan noong 2004 eleksyon, paggamit sa pera ng bayan, lagayan sa jueteng at iba pang mga kasalanan na kasangkot pa ang kanyang asawa, anak at bayaw. Isinisigaw nilang dapat nang mag-resign si Arroyo. Ang mga ito ay kasama sa mga kaso ng impeachment laban kay GMA na ibinasura naman ng Kongreso.

Pero sabi ng oposisyon nakalusot lamang si GMA sa impeachment case dahil inayos ito sa pamamagitan ng pagbabayad at pakikisabwatan sa mga miyembro ng Kongreso.

Nakaiinis ang nangyayari sapagkat tapos na ang mga isyung ito subalit patuloy na ibinabato ng mga oposisyon. Sasabayan pa nila ng mga rallys. Nakagugulo ito sa katahimikan ng taumbayan.

Isinusulat ko ang bagay na ito hindi upang ipagtang-gol si Arroyo. Marahil nababasa n’yo naman na binibira ko rin siya kung mali ang birada niya. Sa katunayan nga, talagang interesado akong malaman kung may katotohanan nga ang mga ibinibintang sa kanya. Sa tingin ko, may posibilidad talaga ang mga ibinabato sa kanya.

Nasisiguro kong galit na ang mamamayan sa mga nangyayari sa bansa ngayon. Lubog na lubog na nga sa kahirapan ang mamamayan, wala pa ring ginagawa ang mga opisyal kundi magbangayan. For a change, itigil na ninyo ang pagbabangayan at ang atupagin ay kung paano makaaahon ang mamamayan sa kahirapan.

BATIKOS

GARCI

ISINISIGAW

ISINUSULAT

KONGRESO

LUBOG

MARAHIL

NAKAGUGULO

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with