Ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay
May 12, 2006 | 12:00am
SA nakaraaang kolum, naipanukala kong kapag tayoy nag-aalinlangan sa pagpapasya o hindi makagawa nang tamang pagpapasya, mainam na manahimik at humingi ng tulong kay Jesus.
Sa Ebanghelyo para sa araw na ito, pinatunayan mismo ni Jesus na siya ang Daan, Katotohanan at Buhay, at sa gayon, tuwiran niyang ituturo sa atin ang landas na dapat nating tahakin (Juan 14:1-6).
"Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko." Sinabi sa kanya ni Tomas, "Panginoon, hindi po namin alam kung saan ka papunta, paano namin malalaman ang daan?" Sumagot si Jesus, "Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko."
Tulad ng mga babalang pangtrapiko na nagbibigay ng direksiyon at mga panuntunan sa lansangan, si Jesus ang mismong pinakagabay natin patungo sa Ama. Sa kanya nakasalalay ang ating pag-asa na may buhay na walang hanggan, kung kayat wala tayong dapat ikabahala. Ang punto ay: Nananalig ba tayo kay Jesus?
Kaya ba nating sabihin sa ating sarili na may direksiyon ang ating buhay dahil tumatahak tayo sa mismong landas na si Jesus?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended