^

PSN Opinyon

Timbangin: Batas at kapakanan

SAPOL - Jarius Bondoc -
HINDI komo legal ay lusot na. Iyan ang sagot ni Environment Sec. Angelo Reyes sa planong magtayo ng 1,411 pabahay ng MWSS employees sa loob mismo ng La Mesa Dam, watershed. Matagal nang inutos ng Korte Suprema na ititulo sa workers ang 58 ektaryang sulok ng gubat sa harap ng Quirino Highway, sa boundary ng Quezon at Caloocan cities. Pero kung dudumi ang pabahay sa watershed at reservoir, hindi raw ito bibigyan ni Reyes ng environment compliance certificate. Mapipilitang sa ibang purok na lang mag-housing ang MWSS.

May katwiran si Reyes. Hindi maaring manaig ang interes ng 1,411 sa kapakanan ng 14 milyong tao na kumukuha ng tubig sa La Mesa Dam. Dapat timbangin ang batas sa kapakanan ng nakararami.

Patukoy ang prinsipyong ‘yon sa mga katulad ni chairman Bayani Fernando ng Metropolitan Manila Development Authority. Hindi siya puwedeng basta magputol ng puno sa Katipunan Road, halimbawa, para lang laparan ang kalsada sa trapik. Ang matatandang puno ay nagbibigay ng oxygen na hinihinga ng taga-lungsod. Dapat ituloy ang road widening, pero kumuha’t bayaran ng lupa mula sa Ateneo, Miriam College at U.P.

’Yon din ang patama ng Korte Suprema sa rallyista nang ibasura ang calibrated preemptive response ng Malacañang. Anang Korte, hindi puwedeng basta i-disperse ang mga rally, lalo na kung kontra-gobyerno ito bilang kalayaan sa pagtuligsa. Pero hinikayat din ng Korte na kumuha ng rally permits, para maisaayos ng pulis ang trapik at seguridad. Meron din dapat "freedom parks" ang bawat siyudad at probinsiya kung saan, kapag hindi inaksiyunan ng mayor o governor ang application for rally permits, otomatiko na itong puwedeng pagdausan. Maayos nga naman kung makakapaglahad ng hinaing ang raliyista pero hindi rin iniistorbo ang nais manahimik.

Ang batas ay pamprotekta sa indibidwal. May batas ding pamprotekta sa publiko. Kung humantong ang sitwasyon na magbanggaan ang dalawang batas, natural lang na panaigin ang interes ng nakararami.

ANANG KORTE

ANGELO REYES

BAYANI FERNANDO

DAPAT

ENVIRONMENT SEC

KATIPUNAN ROAD

KORTE SUPREMA

LA MESA DAM

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with