Tigilan na ang paninigarilyo!
May 11, 2006 | 12:00am
KINUKONDENA ng leading cardiologist na si Dr. Miguel Rs. Cornejo ang mga naglalabasang advertisement sa print, radio at TV tungkol sa sigarilyo. Ayon kay Dr. Cornejo, bagamat may babala na "WARNING: Cigarette smoking causes cancer", hindi rin ito sapat para matigil ang paninigarilyo.
Inisa-isa ni Dr. Cornerjo ang mga pinsala ng nikotina ng sigarilyo sa baga, sa puso, lalamunan, bituka, mata at sa iba pang parte ng katawan. Inesplika ni Dr. Cornejo sa pamamagitan ng dala niyang larawan ng anatomy of the human body ang pagsira ng nikotina na dahilan ng abnormal blood circulation na nababarahan ang mga blood vessels kaya apektado ang puso at sanhi ng cardiac arrest. Ayon sa kanya, ang nakapanlulumong karamdamang emphysema sa labis na nagpapahirap sa paghinga ay bunga ng walang humpay na paninigarilyo.
Hindi ko makakalimutan ang ipinakita noon ni Dr. Cornejo na dalawang specimen ng lungs. Nakasusukang tingnan ang mga baga ng mga namatay sa lung cancer. Bukod sa maitim na parang alkitran, meron pang namumuong dugo na nababahiran ng nikotina. Ipinapayo ni Dr. Cornejo na dapat na "stop smoking" bago maging huli ang lahat at pahabol pa niya, "kung mahal ninyo ang inyong pamilya at gusto pa ninyong mabuhay nang matagal, tigilan na ang paninigarilyo."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended