^

PSN Opinyon

Matibay talaga ang hasang ni SPO1 Arnold Sandoval

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Naglatag na naman ng sakla ang financier na si Luis Ponga Jr., ng Malabon, sa kaharian ni Manila Mayor Joselito Atienza. Halos tatlong linggo ng bukas ang saklaan ni Ponga subalit wala pa akong nababalitaan na sinalakay ang puwesto o inaresto ang mga tauhan niya. Tumataginting na P500,000 pala kada linggo ang intelihensiya ni Ponga sa lahat ng unit ng pulisya para hindi lang maabala ang ilegal na negosyo niya.

At kung pakuya-kuyakoy sa ngayon si Ponga at ang alipores niya na si Yakusa, ‘yan ay dahil walang patid ang pasok ng salapi sa bulsa nila bunga sa kapabayaan ni Mayor Atienza. Kapag hindi kasi naikumpas ni Mayor Atienza ang mga kamay na bakal niya, tiyak hindi rin kikilos ang pamunuan ng MPD dahil busog na busog sila. At katunayan, maging ang City Hall detachment ni Atienza ay tumatanggap ng tumataginting na P30,000 kada linggo kaya’t tikom ang bibig niya kay Ponga, he-he-he! May pulitiko pa ba na ang kapakanan ng sambayanan ang nasa isip at hindi ang sariling bulsa?

Nagsara ang saklaan ni Ponga ng nakaraang buwan sa maraming dahilan. At dahil wala na siya, aba sumingit naman ang financier na si alyas Pinggoy subalit panandalian lang ang ligaya niya. Kaliwa’t kanan kasing raid ang isinagawa ni SPO1 Arnold Sandoval ng NCRPO sa mga puwesto ni Pinggoy kaya’t minabuti na lang niyang magsara dahil araw-araw ay lumalaki ang nawawala sa kaban niya. Naka-intelihensiya naman si Pinggoy kay Sandoval sa RSAU ng NCRPO subalit ang ginamit niyang unit ay ang RSOG kaya’t nagtagumpay siya.

Ang balita na nakarating sa akin, P10,000 kada linggo ang hatag ni Pinggoy kay Sandoval subalit hindi pa ito nasiyahan. Kaya’t nang mag-offer ng dobleng intelihensiya si Pandak ng CIDG, ang nasa likod ni Ponga, aba kinagat kaagad ito ni Sandoval. Ewan ko lang kung nabukulan ni Sandoval ang amo niya sa NCRPO, he-he-he! Matibay talaga ang hasang ni Sandoval na may puwesto rin ng bookies sa kanto ng Limay at Bagac St. sa Tondo at sa Sulu at Blumentritt St. sa Sta. Cruz. Maliwanag na hindi siya kayang banggain kahit sinuman.

Kaya pala masyadong malakas si Ponga sa MPD, ganito ang sistema niya. Sa sakop pala ng Station 1 at 2 sa Tondo, ang intelihensya ni Ponga kada araw ay ang tumataginting na P1,500 kada puwesto. Sa ngayon, ang puwesto ni Ponga sa sakop ng Station 1 ay siyam kaya’t masaya ang hepe ng pulisya roon. Sa sakop naman ng Station 2, Mayor Atienza Sir, ay may 11 ng puwesto kaya’t malaki rin ang iniakyat na pera ni Ponga sa kapulisan natin. Subalit full blast ang operation ng saklaan ni Ponga sa Station 2, aabot ng 20 ang puwesto roon. Get mo Mayor Atienza Sir?

Ang problema lang na dulot ng naglilipanang saklaan ni Ponga ay tumataas din ang bilang ng krimen sa Divisoria at Tondo nga. Eh saan pa ba kukuha ng pangtustos nila sa bisyo nila ang mga residente ni Atienza kundi sa krimen, di ba mga suki? Kung tumaas ang crime rate ng Manila, aba wala na silang dapat sisihin kundi ang saklaan ni Ponga. At dapat sipain na ni NCRPO Chief Dir. Vidal Querol si Sandoval dahil siya ang dahilan kung bakit nagigisa ang pangalan niya sa ilegal. Maliban na lang kung may basbas ni Querol ang ginagawa ni Sandoval? Abangan!

ARNOLD SANDOVAL

ATIENZA

BAGAC ST.

BLUMENTRITT ST.

MAYOR ATIENZA

MAYOR ATIENZA SIR

NIYA

PINGGOY

PONGA

SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with