Kabastusan o kalayaan?
May 8, 2006 | 12:00am
NABABAHALA ang grupong kababaihan, Mahal Ko Bayan Ko. Inuusisa nila ang pagdakila ng Kabataan Party kay Ma. Teresa Pangilinan matapos nitong bulyawang "pekeng Presidente" si Gloria Arroyo sa Cavite College graduation rites. Lalong kinilabutan ang MKBK nang ituring si Pangilinan ng ilang senador na role model ng kabataan. Tanong ng MKBK: Ang kilos ba ni Pangilinan ay kalayaan (ng pagsalita) o kabastusan?
Para sa akin, kalayaan ni Pangilinan, at sino pa man, na ihayag ang opinyon sa mga pinuno. Tayo ang nagluklok sa kanila bilang swelduhang public servants (hindi amo-amohan), kaya puwede natin silang punahin. Nang humiyaw si Pangilinan sa auditorium, kalayaan niya yon miski napahiya si GMA at school authorities.
Ang mali, para sa akin, ay umakyat pa si Pangilinan para tanggapin ang diploma mula kay GMA. Nakangiti sila pareho. Tingin ko, kaplastikan yon walang pinagkaiba sa pagka-peke ng mga pulitiko. Kung hindi kinikilala ni Pangilinan na Pangulo si GMA, sana hindi na lang niya tinanggap ang diploma. Sa ibang araw na lang niya yon kunin sa school registrar. Sa pag-akyat niya sa stage, tila nais niya magpa-retrato kasama ang "pekeng Presidente", kaya parang peke rin ang graduation niya.
Tungkol naman sa mga senador, tama ang puna ng MKBK. Anila, sa pagpuri ng mga diyos-diyosang mamba-batas kay Pangilinan, tila iginigiit ang sariling kabastusan.
Batid ng marami ang kawalang-modo ng Senado sa mga imbitadong resource persons sa inquiries. Minsan, may pinag-presenta silang eksperto sa pagkalbo ng mga gubat. Nagsisimula pa lang ang propesor, pinagtitira na siya ng tanong ng isang senador: "Sino ka para magsalita rito? Saan mo nakuha ang mga datos mo? Saan patungo ang presentasyon mo?" Lahat ng sagot, makukuha sana kung pinatapos muna ang eksperto. Pero alam ng reporters at mga tao sa gallery kung bakit nambara agad ang bastos na mambabatas: May-ari siya ng logging concession na kumalbo ng kagubatan ng Samar kaya malimit ang landslides sa isla.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended