Mag-ingat sa pagpapalaki ng suso

ANG aktres na si Keana Reeves ay isa lamang sa maraming sumasailaim sa breast augmentation. Sa kagustuhang lalong maging mapang-akit sa mga lalaki marami sa mga babae ang nagpapa-breast implant.

Ayon sa leading surgeon na si Dr. Corazon Collantes-Jose bago magpa-breast enhancement ay dapat nasa mabuting kondisyon ang pasyente. Ipinapayo ni Dr. Jose na dapat na tiyakin ng mga kababaihan na ang magsasagawa ng surgery ay bonafide aesthetic surgeon para maiwasan ang anumang komplikasyon sa pagpapalaki ng suso.

Ayon pa rin sa doktora ang maling breast augmen-tation ay nagiging dahilan ng kanser sa suso na pangunahing sakit ng mga kababaihan ngayon sa Pilipinas.

Payo ni Dr. Jose na pangalagaan ang suso sa pamamagitan ng regular na paghaplos sa mga ito para ma-tiyak na walang anumang bumubukol at sumasakit. Kumain ng low fat diet, sariwang gulay at prutas at mag-ehersisyo araw-araw.

Show comments