Tahimik ang May 1 dahil ayaw na ng mga Pinoy sa kaguluhan
May 6, 2006 | 12:00am
LUMABAS ang tunay na kulay ng oposisyon at mga kaalyado nila sa kaliwa ng nakaraang Labor Day rally. Ang ibig kong sabihin mga suki, ang grupo na gustong magpatalsik kay Presidente Arroyo sa trono ay nag-aaway din. Kasi maliwanag sa rally noong Mayo 1 na ang mga sumali lang ay mga makapula at naiwan sa kangkungan ang kampo ni dating Presidente Erap Estrada. Totoo kaya na binoykot ng kampo nina Makati City Mayor Jejomar Binay at San Juan Mayor JV Ejercito ang rally? Wala pa nga sila sa puwesto, eh nag-aaway na ang oposisyon at mga kaalyado nila, paano na lang kung ang Council nila ang mamuno sa Pilipinas? Eh di lalong magulo, di ba mga suki?
Kaya kahit namaos sa kasisigaw ang makapulang grupo noong Lunes eh nandiyan pa sa puwesto si Presidente Arroyo. At lalong tumibay ang gobyerno ni GMA dahil lumakas ang peso at ang investors confidence dahil sa walang kaguluhan na nangyari sa May 1 rally. Lumalakas din ang panawagan na ang liderato na lang ni GMA ang suportahan imbes na ang nagkawatak-watak na oposisyon at mga kaalyado nila, he-he-he! Tumibay pa lalo si GMA dito sa ruling ng Supreme Court na constitutional ang Proclamation 1017, di ba mga suki?
Kung anu-ano kasing kuru-kuro ang lumabas bago ang Mayo 1 na kung hihimayin ay para bang masyadong magiging magulo ang bansa natin sa Labor Day protest nga. May kudeta, madugong dispersal operation at iba pa na halos ang takot ang namayani sa ating mga Pinoy bago pa man ang malawakang kilos-protesta. Siyempre, nadagdagan pa ang takot ng sambayanan bunga sa preperasyon ng military at pulisya, dahil sa banta na rin ng Erap loyalists na salakaying muli ang Palasyo gaya ng ginawa nila noong May 1, 2001.
Ang natutunan nating leksiyon ng nakaraang Labor Day rally ay ang pag-ayaw o paglayo ng ating kapwa Pinoy sa kaguluhan. Ayaw na ng masang masaktan, lalo na kung ang interes ng mayayaman at hindi ng mahihirap ang pag-uusapan. Kaya marami sa masa, kahit yaong mga supporters ni PMAP Pres. Ronald Lumbao ay lumayo sa kalsada noong May 1. Bunga sa hindi na nga sila binabayaran ng tama, naarok ng masa na hindi rin sila giginhawa kapag nailuklok nila sa puwesto ang mga mapagsamantala.
Dahil lumakas ang peso at ang investors confidence sa gobyerno, nararapat lang na papurihan si NCRPO chief Dir. Vidal Querol at ang kanyang mga district directors na sina Chief Supts. Nicasio Radovan, Wilfredo Garcia, Leopoldo Bataoil, Charlemagne Alejandrino at ang Manila police bunga sa peaceful Labor Day rally. Aba, halos sa kalsada na natulog ang kapulisan mula bisperas na ng May 1 at nagbunga naman ng maganda ang tiyaga at sipag nila.
May nangyaring girian sa Recto Ave., sa Maynila kung saan hinarang ng Manila police ang mga pulahan. Subalit yon lang ang masabi nating near confrontation na hindi naman umabot sa paluan at batuhan. Kaya hindi lang dapat ang hanay ng pulisya ang papurihan mga suki, kundi maging ang mga lider ng mga ralyista dahil sa pagsunod nila sa rule of law. Aba nang sabihan silang mag-dispersa na dahil lampas na sa rally permit nila, kusa namang tumalima ang mga ralyista na ikinagulat ng ilang bati-kang pulis natin na sanay na sa paluan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended